MATABIL
ni John Fontanilla
MULING nag-renew ng kontrata si Marian Rivera bilang brand ambassador ng Beautéderm Home sa ikaapat na taon. Kaya naman tuloy-tuloy ang solido at napakalakas na partnership ni Marian at ng Beautederm.
Si Marian ang mukha ng sikat na sikat na Reverie line ng Beautéderm Home na kinabibilangan ng all-natural soy candles, room at linen sprays, at air purifiers.
Ang Reverie ay isang play of words between Marian’s maiden name at ang name ng Beautéderm Corporation’s President and CEO Rhea Anicoche-Tan. At ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito – ang mag-drift away, managinip, at mag-relax habang nag-eenjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beautiful scents of love ng Beautederm Home.
Ang Reverie line of Beautederm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) at pati na rin ang dalawang bagong scents na Matcha To Love at Take Me Away – na lahat ay pawang nilikha mula sa pormulasyon hanggang sa indibidwal na packaging sa very close collaboration kasama si Marian.
Ayon kay Ms Rei, ”Marian and I developed a very close friendship over the years since she first joined the family as brand ambassador of Beautéderm Home,” ani Tan. “Our relationship transcends business as we consider each other as sisters. We regularly talk to each other not just about work but about updates in our personal lives as well.”
Masayang-masaya naman ang Kapuso actress sa muling pagpirma ng panibagong kontrata sa Beautederm.
Ayon kay Marian, ”We are really like family. Rei has been a very good and supportive friend to me and I value our loving relationship very much. Beautéderm Home has been part of our my daily essentials in maintaining a refreshing and relaxing ambiance at home that I could really relax in with my husband and my children.”
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang collaboration nina Ms Rei at Marian sa pagde-develop ng iba pang produkto sa Beautéderm Home line na inaasahang mai-launch ngayong taon na naghahanda ang brand sa 12th year nito sa negosyo.
At para naman sa mga karagdagang impormasyon patungkol sa Reverie by Beautederm Home at sa exciting updates kay Marian, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautederm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.