Saturday , November 16 2024

8 tulak, 8 law violators arestado sa Bulacan

NADAKIP ng mga awtoridad ang walong hinihinalang mga tulak ng droga at tatlo pang may iba’t ibang paglabag sa batas sa ikinasang serye ng police operation sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado hanggang Linggo ng umaga, 20 Hunyo.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang walong drug suspects sa serye ng buy bust operations na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Ildefonso, Guiguinto, Norzagaray, at Marilao Municipal Police Stations.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rodolfo Cruz, alyas Amang, ng Brgy. Gabihan, San Ildefonso; Niño Lazaro at Ver Gabriel, kapwa residente sa Brgy. San Agustin, Hagonoy; Jeremias Benjamin, Sr., Richmond Salvador, at Erika Medalle, pawang mga naninirahan sa Brgy. Matictic, Norzagaray; Devina Vecina at isang menor de edad (Child in Conflict with the Law), kapwa residente sa Brgy. Lambakin, Marilao.

Nakompiska mula sa mga sa suspek ang 18 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu, at buy bust money.

Samantala, sa inilatag na anti-illegal gambling operations, nasakote ng mga tauhan ng Marilao Municipal Police Station (MPS) ang mga suspek na kinilalang sina Whilmer Dizon, at Norberto Cahusay Villafranca, Jr., kapwa residente sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan.

Naaktohan ng mga tauhan ng Marilao MPS ang mga suspek sa sugal na ‘cara y cruz’ sa Northville 4, sa nabanggit na barangay.

Arestado rin ng mga tauhan ng Paombong Municipal Police Station (MPS) si Juan Crisanto dela Cruz ng Calison, Brgy. Sto. Rosario, Paombong sa kasong Frustrated Murder.

Nabatid, ang suspek na kinilalang si Juan Crisanto dela Cruz at biktimang si Benjamin Adriano, Jr., ay nagkaroon ng pagtatalong humantong sa pananaga at pananak­sak ng suspek sa biktima.

Agad nadakip si Dela Cruz sa pagresponde ng mga tauhan ng Paombong MPS na ngayon ay nakapiit sa himpilan.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *