NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan sa isang barangay sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nang paslangin ang kanilang no. 1 barangay kagawad ng riding in-tandem sa bayan ng Calumpit, nitong Miyerkoles ng umaga, 16 Hunyo.
Batay sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ramil Santos, hepe ng Calumpit Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Romalie “Manet” Gonzales Buensuceso-Aguilar, 45 anyos, residente sa Purok 2, Brgy. Iba O’ Este, sa bayan ng Calumpit, at kagawad ng Brgy. Mercado sa bayan ng Hagonoy, pawang sa naturang lalawigan.
Nabatid, nasa loob si Aguilar ng kanyang hardware store sa Brgy. Iba O’ Este nang barilin dakong 10:00 am kamakalawa, ng mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo.
Ayon sa mga nakasaksi, biglang pumasok ang gunman na angkas ng isang motorsiklong Yamaha Mio Sporty, walang plaka sa MGB Hardware na pag-aari ng biktima at pinaputukan si Aguilar gamit ang kalibre .45 baril sa bahagi ng kanyang ulo.
Nagawa pang isugod sa Calumpit District Hospital ang biktima ngunit idineklara ng manggagamot na dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo.
Sumikat si Aguilar na No. 1 kagawad sa Brgy. Mercado dahil sa kanyang programang pamamahagi ng mga tsinelas sa kanyang nasasakupan kaya binansagan siyang ‘Tsinelas Queen’ bukod pa sa sariling inisyatiba na ‘bigas palit-basura’ para sa tamang pagsisinop ng basura sa komunidad. (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …