Magpabakuna at maging bayani! Mga makahulugang rason para magpabakuna
Noon nakaraang taon, nakita natin ang kabayanihan ng ang ating mga frontliners. Mula sa mga medical staff, mga nagtatrabaho sa essential industries tulad ng agrikultura at food industry hanggang sa seguridad, transportasyon, at logistics, lahat sila ay walang tigil sa pagtrabaho para lang maproteksyunan tayo sa nakamamatay na epekto ng COVID-19 at upang siguraduhing may sapat na pagkain at essential items ang lahat sa kasadsaran ng pandemya.
Ngayon, makalipas ang isang taon kung kelan marami ng iba’t ibang klase ng bakuna ang nadevelop ng mga pharmaceutical companies, dumating na ang pagkakataon para tayong mga ordinaryong mamamayan naman ang maging frontliner laban sa COVID-19 virus at ito ay sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
Kasama ang SM Supermalls sa kampanyang Ingat Angat Bakuna Lahat na naglalayon na himukin ang mga Pilipinong magpabakuna na laban sa COVID019. Bakit at paano ka nga ba magiging bayani sa pamamagitan lamang ng pagpapababakuna? Narito ang mga makabuluhang dahilan:
1. Di mo lang ito ginagawa para sarili mo kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sa’yo. Nakita natin ang nakamamatay na epekto ng virus sa mga vulnerable groups katulad ng mga bata, matatanda, buntis, at mga immunocompromised. Pag ikaw ay magpabakuna, bumababa ang posibilidad na ikaw ay makakahawa sa mga taong mahina ang resistensya. Kasabay nito, prinoprotektahan mo rin ang sarili laban sa malubhang pagkakasakit ng COVID-19.
2. Mababawasan ang bigat at hirap ng mga ospital at frontliners. Kamakailan lang ay nagkaron ng surge sa kaso COVID-19, na umabot sa isang milyon. Dahil dito, nahirapan ng husto ang mga ospital at medical workers. Maraming pasyente ang hindi na kinayang tanggapin ng mga ospital. Ang magandang balita: kung tayo ay magpapabakuna, makakatulong tayo upang mabawasan ang dami ng taong maoospital, at maiiwasan na din hirap ng mga medical frontliners at muling maoverburden ang ating health system.
3. Pag ikaw ay nabakunahan, mas marami kang pwedeng gawin. Noong pandemya na nagresulta sa lockdown, nalimitihan ang ating pagkilos. Kinailangan natin manatili sa ating mga bahay para mabawasan ang paglaganap ng virus. Pero pag mas maraming mga Pilipino ang nabakunahan at makamit ang herd immunity, pwede na nating gawin muli ang mga bagay na inenjoy natin bago magpandemic. Pero bilang karagdagang pag-iingat, kailangan pa rin sundin ang mga safety protocols tulad ng social distancing, pagsuot ng face mask, at regular na paghugas ng kamay. Sa ganitong paraan, pwede na nating mas matulungan ang ating komunidad, makita ang ating mga pamilya at kaibigan, at bumalik sa eskwelahan at opisina.
4. Importante ito para matigil ang paglaganap ng pandemya. Epektibo ang social distancing, pagsuot ng mask at paghugas ng kamay para bumagal ang paglaganap ng virus. Pero ayon sa mga research, mas nababawasan ang pagkakataong mahawa at manghawa ng COVID-19 ang taong ganap na nabakunahan. Bukod dito, ayon sa real world studies, epektibo ang COVID-19 vaccines para pigilan ang symptomatic at matinding sakit, at 100% effective sa pag-iwas ng pagkamatay. Ayon din sa mga eksperto, kahit anong panganib na kalakip sa vaccine ay mas maliit kumpara sa mga panganib pag nahawaan ng COVID-19.
Kaya maging bayani at magpabakuna ka na para protektahan, hindi lamang ang iyong sarili, kundi ang iyong mga mahal sa buhay at komunidad.
Para mapigilang ang paglaganap ng virus, ang SM Supermalls ay nakipagtambalan sa mga local government units sa buong bansa, para maging venue para sa COVID-19 vaccination program. Para malaman ang tungkol dito o hanapin ang pinakamalapit ng SM vaccination site sa inyo, bisitahin ang www.smsupermalls.com. Para sa mga updates, sundan ang @smsupermalls sa lahat ng social media accounts.