ITO po ay tanong nga mga kababayan nating nabakunahan na ng first dosage, kailan ang kanilang second dosage.
Batay sa vaccination card na ibinigay sa mga nabakunahan na sa local government, tatlong buwan ang pagitan ng bakuna.
Ang nabakunahan nitong nakaraang buwan ng Mayo 2021 ay sasaksakan ng 2nd dosage sa Agosto 2021 pa.
Ibig sabihin, tatlong buwan ang interval o pagitan ng dalawang bakuna?!
Sa website ng Department of Health (DOH) ganito ang isinasaad:
Interval of doses varies per vaccine. Vaccines which have already been issued an EUA by the Philippine FDA have the following dosage and frequency:
Sinovac – 2 doses, 4 weeks (28 days) apart
AstraZeneca – 2 doses, 4 to 12 weeks apart
Gamaleya Sputnik V – 2 doses, 3 weeks apart
Janssen – 1 dose
Bharat BioTech – 2 doses, 28 days apart
Ito po ang dapat na bantayan ng mga nagpapabakuna. Bawat brand ay mayroong specific brand kung gaano katagal ang interval ng una at ikalawang dosage.
Sana lang ay naipapaliwanag ito nang mahusay ng mga nagbabakuna.
Para po sa mga may katanungan tungkol sa interval ng bakuna, ‘yan po ang nakalap nating impormasyon mula sa website ng DOH.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com