Saturday , November 16 2024

Serye ng police ops umarangkada; 2 tulak, 3 iba pa timbog sa Bulacan

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang limang personalidad, dalawa sa kanila ay notoryus na tulak samantala tatlo ang sangkot sa iba’t ibang krimen, sa isinagawang serye ng mga operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes ng umaga, 14 Hunyo.
 
Sa unang buy bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS), nadakip ang suspek na kinilalang si Ezekiel Santos, residente sa Brgy. Tuktukan, sa nasabing bayan, na kinasamsaman ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.
 
Sumunod na naaresto si Chester Famini na nakompiskahan ng hinihinalang ilegal na droga ng nagpapatrolyang mga tanod sa Brgy. Perez, lungsod ng Meycauayan at isinuko sa Meycauayan City Police Station (CPS).
 
Samantala, nasakote ang tatlong suspek na sangkot sa iba’t ibang krimen ng magkatuwang na puwersa ng barangay at pulisya sa mga bayan ng Bocaue at Pulilan.
 
Kinilala ang mga nadampot na suspek na sina Jessie Arcon, arestado sa kasong Alarm and Scandal, Resistance and Disobedience sa Brgy. Batia, Bocaue; Jolito Ortiz, sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay ng RA 7610 sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan; Winlou Adap, para sa Alarm and Scandal, Resistance and Disobedience at Direct Assault upon an agent of Person in Authority. (MICKA BAUTISTA)
 

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *