Friday , November 15 2024

Gera vs COVID ng Quezon province, malamya ba?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
 
MALAMYA nga ba ang kampanya ng Quezon province government laban sa nakamamatay na virus na CoVid-19 sa lalawigan? Ano sa tingin ninyo kayong mga suki ko diyan sa lalawigan? Oo o hindi?
 
Anyway, tayo ay nagtatanong laang ha at hindi nag-aakusa. Hindi po ba Quezon Governor Danilo “Danny” Suarez, sir? Uli, nagtatanong lang po tayo ha at kayo na laang diiiiyan sa Quezon ang makasasagot. Tama po ba?
 
Naitanong lang naman natin ito dahil sa ulat na 575 na ang biktima ng CoVid-19 sa lalawigan. Ano 575 lang? Ang baba niyan ha lalo na kung ang numero ay mga nahawaan lang.
 
Linawin natin ha, ang 575 0 halos 600 ay hindi lang nahawaan ng killer virus kung hindi bilang pala ng namatay na sa CoVid-19 sa lalawigan. Gano’n ba? Aba’y marami-rami na rin ang 575 na bilang ha! Nakapangangamba.
 
Pero bakit umabot sa ganito karami ang namamatay sa lalawigan? Bakit nga ba Mr. Governor? Dahil ba sa kapabayaan? Kapabayaan ng mamamayan ba o ng provincial government na pinamumunuan ni Gov. Suarez?
 
Well, Mr. Gov, ba’t umabot sa ganitong bilang ang namatay na sa inyong lalawigan? Hindi po ba sinasabi ninyo na sapat ang inyong preparasyon at kampanya laban sa pagkalat ng veerus?
 
Minsa’y naging panauhin kayo (Mr. Governor) sa isang virtual talk, ilang buwan na ang nakararaan, isa sa ipinagmalaki ninyo sa programa, na mayroon na kayong mga gamot na panlaban sa CoVid-19, isa sa partikular na tinukoy ninyo ay ang bakunang “Sputnik.” Mayroon na kayo samantala ang national government ay wala pang pinanghahawakang Sputnik noon o sa araw na inianunsiyo ninyo na mayroon na ang lalawigan. So, kung may mga sputnik na noon pa e, ba’t umabot sa halos 600 ang namatay na mga kababayan ninyo?
 
Isa pa sa nasabi ninyo sa guesting n’yo na buwan ng Nobyembre pa lamang noong 2019 ay may naging preparasyon na kayo laban sa CoVid-19. Mas advance nga po kayo kaysa Department of Health (DOH). Oo, kasi ang DOH ay kumilos lang noong buwan ng Marso 2020 kung kailangan lumalala na ang sitwasyon habang kayo Gov ay Nobyembre 2019 pa lamang ay nakapaghanda na kayo?
 
Kung gayon, ba’t umabot sa almost 600 katao ang namatay sa lalawigan ninyo Gov, samantala todo-todo naman ang kampanya ninyo laban sa CoVid-9? Ibig bang sabihin nito ay nagkaroon pa rin ng kapabayaan sa inyong pamahalaan? Nagtatanong lang po Mr. Gov ha at hindi nag-aakusa.
 
Heto pa, maging pala kayo ay nahawaan ng virus maging ang mahal na Kongresistang si Madame Aleta, ang inyong love of your life ay nahawaan din. Buti naman at maayos na kayo. Salamat sa Diyos.
 
Lamang, ang katanungan ay ba’t nalusutan yata kayo Gov ni Madame ng binabantayan ninyong si Mr. CoVid-19? Hindi ba todo-todo naman ang kampanya ng pamahalaang pangprobinsiya laban sa killer virus?
 
Sa pagtaas ng mga namatay at libo-libong nahawaan, hindi ba nararapat lang na may managot? Akalain ninyo, sa loob ng isang araw, nitong 9 Hunyo 2021 ay 12 kababayan ninyo Mr. Gov Suarez ang namatay sa CoVid-19? Nasaan ang sinasabing naging todo-todo ang paghahandan at kampanya ng Quezon province government para masawata ang pagkalat at pag-atake ng killer virus? Taliwas ba ang lahat mga taga-Quezon province?
 
Pero unfair naman kay Gov at mga taga-Kapitolyo, batid naman ng mga kababayan ninyo na ginagawa nila ang lahat para sawatain ang pag-atake/pagkalat ng CoVid-19 sa buong lalawigan.
 
Ngayon, batay sa napaulat, umabot sa 575 ang namatay sa CoVid-19 sa lalawigan habang libo-libo rin ang nahahawaan, masasabi nga bang hindi naging pabaya ang pamahalaan ng lalawigan ng Quezon?
 
Gov. Suarez, ano po’ng sey ninyo? Handa po namin pakinggan ang inyong panig.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *