Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangayanihan sa Pasay City inilunsad ng PNP

NAGSAGAWA ng simultaneous ‘Barangayanihan’ ang Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng Regionwide Community Clean-up Drive sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng ilang barangay sa lungsod ng Pasay, napag-alaman sa ulat kahapon.
 
Ayon kay Barangay 199, Zone 20 , Kagawad Jojo Sadiwa, layunin ng proyekto na mapangalagaan ang kalinisan at kaayusan ng bawat barangay sa lungsod Pasay upang mapanatili ang social responsibility ng mga residente kahit sa panahon ng pandemya.
 
Bukod dito, dapat panatilihin ang ipinatutupad na health protocols at guidelines ng CoVid-19 IATF at ang kaparusahan sa sinumang lalabag.
 
Ang nasabing programa ng PNP ay sinabayan din ng pagkakatatag ng KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo) na magiging katuwang ng mga alagad ng batas ang mga kabataan sa barangay para isulong ang pagsupil sa ilegal na droga.
 
Ito rin ang paraan upang pasiglahin ang pagganyak sa kapwa kabataan na maging aktibo o makilahok sa ilang aktibidad ng Sangguniang Kabataan sa kanilang komunidad o school based activities ng KKDAT.
 
Ang kasunduan sa pagitan ng mga barangay officials at PNP ay nilagdaan nina P/Major Crisanto Racoma, chief, Sub Station 8 Pasay CPS; P/Major Marvoin Oloan ng AVSEU NC-NAIA 2 Police station; P/Major Jonalyn Manlat, OIC, PCRS, PNP SAF Air Unit; P/Major Albert Timpac ng AVSEU NCR,NAIA 1 Police Station; Bgy. 199 Chairman Dan Detera and Council, at SK officials.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …