Sunday , December 22 2024

‘Girian’ ng wannabes para sa 2022 elections ‘wag munang ‘bilhin’

BULABUGIN
ni Jerry Yap
 
SABI nga mayroong maagang naglublob ng daliri sa tubig — una, para alamin ang ‘timpla’ at ikalawa para labusawin ang putik, nang sa gayo’y magkaalaman sa muling pagtining nito.
 
Ang tinutukoy po natin dito ay ang mga nagdaang pangyayari na tila ‘girian’ ng mga ‘wannabes’ sa loob ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ang tila ‘girian’ ng ‘wannabes’ sa loob ng administrasyong Duterte ay nangyari nang umugong ang pagtakbo ni bise presidente Leni Robredo para presidente.
 
Umugong lang, hindi nagkompirma ang bise presidente.
 
Pero biglang lumutang si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV — na nagsabing nakahanda rin siyang sumulong kung hindi itutuloy ni VP Leni ang pagtakbo bilang pangulo.
 
Heto ngayon, wala pa mang kompirmasyon, ‘e bigla nang lumutang ang pangalan nina dating Senador Bongbong Marcos, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Senador Manny Pacquiao, Senador Christopher “Bong” Go, at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Unang bumisita sa Davao City sina Senador Imee Marcos, kasama ang utol na si BBM. Tsumika-tsika, at presto, pinag-usapan na.
 
Sumunod na lumipad patungong Davao City ay si dating Defense Secretary Gibo Teodoro — sukdulang manghiram ng private plane sa kanyang tiyuhin.
 
Bago iyon, ‘naggirian’ muna sina former PDP Laban vice chairman Al Cusi, at party president Manny Pacquaio — nagkalaglagan nga ba?
 
Pero mukhang hindi na nakaporma at hindi man lang naiwasiwas ang kamao ni Pacman — ang eight division boxing champ — e naka-jab na agad sa kanya si Energy Secretary Cusi.
 
Arayku!
 
Mukhang sa boxing lang champion si Senator Manny, pero amateur na amateur sa politika.
 
Kung marami nang nag-a-apply kay Mayor Sara para maging tandem niya, bigla namang nanahimik si Senador Christopher “Bong” Go, at si Manila Yorme Isko na abalang-abala pa siya para sa Maynila.
 
Heto raw ang mga target na tandem: SA-BONG para sa Sara at Bongbong Marcos; SA-GO, para sa Sara and Bong Go; SA-KO, para sa Sara at Isko; SA-PAC para sa Sara & Pacman; SA-GI para sa Sara at Gibo; at DUT-DUT para sa Sara & Digong.
 
Pero huwag muna kayong magulat sa tandem na ‘yan. Administration ‘wannabes’ pa lang ‘yan, hindi pa naglalabas ng ‘baraha’ ang oposisyon.
 
Ibig sabihin, ‘girian’ pa lang po ‘yan. Titining pa ‘yan bago mag-Oktubre, at doon natin malalaman kung sino-sino ang magiging tandems.
 
Abangan!
 
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *