Sunday , December 22 2024

Bayanihan 1 hinirang na best global practice vs Covid-19

GOOD news!

Nagbunga ang pagsisikap ng administraysong Duterte at ng ating bansa sa pangkalahatan dahil hinirang at kinilala ang Bayanihan 1 To Heal As One Act bilang isa sa mga global best practices sa pagharap sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Apat na bansa sa buong mundo ang ginawaran ng ganitong karangalan at pagkilala. Kasama rito ang bansang Australia, Norway, at Peru. Ang pagkilala ay ginawa ng Internatioanl Budget Partnership (IBP). 

Ang IBP ay isang independent watchdog na nagtataguyod sa transparent, inclusive, at accountable budget process ng mga pamahalaan sa buong mundo.

Wow, nakaka-proud naman!

Sa isang ulat na ipinalabas noong nakaraang buwan ng IBP, pinuri nito ang Filipinas sa pagsisikap na harapin ang pandemyang  dulot ng CoVid-19 sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Bayanihan 1 partikular ang weekly report upang masiguro na maipapatupad nang maayos ang mga programa sa ilalim ng CoVid response.

Alam natin na ang Bayanihan 1 ay naisabatas noong si dating Speaker Alan Peter Cayetano pa ang pinuno ng Kamara. Ito po ay pinagpuyatan ng mga kongresista sa pamamagitan ng makasaysayan at kauna-unahang hybrid session sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon. Ilang mga kongesista ang nasa plenary hall noon at ang mayorya ay dumalo via Zoom.

Kung matatandaan, ang Bayanihan 1 To Heal as One Act ang kauna-unahang batas na pinagtibay ng ating bansa upang salagin ang matinding epekto ng pandemyang CoVid-19 sa kalusugan, kabuhayan, at kapakanan ng mga Filipino.

P275 bilyon ang kabuuang pondo ng Bayanihan 1 na inilaan para sa pagbibigay ng Social Amelioration Program o SAP sa milyon-milyong pamilyang Filipino. Ito rin ang pinambili ng PPE ng frontliners, testing kits, medical supplies, at ipinangtayo umano ng quarantine facilities at isolation centers para sa CoVid-19 patients.

Nagbigay ito ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte na harapin ang pandemya sa pamamagitan ng re-allign, reallocate at reprogram ang kaban ng bayan upang ituon laban sa CoVid-19.

Pagkatapos ng Bayanihan 1, isinabatas din noong nakaraang taon sa liderato ni Cayetano sa Kamara ang Bayanihan 2 na follow-up stimulus package sa Bayanihan 1.

Hindi lang natin maintindihan kung bakit tila makupad ngayon ang liderato ng Kamara sa pagsasabatas ng Bayanihan 3. Dahil ba hindi nai-certify na urgent bill ang panukala ay di na dapat aksiyonan nang mabilis gayong malaki pa ang problemang kinakaharap ng ating bayan dahil sa CoVid-19. 

Ang nakalulungkot, tig-P1K lang na ayuda para sa bawat Filipino ang nakapaloob sa Bayanihan 3. Ano ba ang magagawa ng P1K, sa totoo lang? Sana naman, naiisip ng ating mga mambabatas na hindi na lang ito pantawid kundi pang-ahon na.

Sa mga iginagalang nating solons, gising-gising! Unahin po natin na bigyang prayoridad ang tulong na kinakailangan pa rin ngayon ng taong bayan, maging responsive naman po tayo sa tawag ng panahon.

Sabi nga, extraordinary times need extraordinary measures.  ‘Wag kukupad-kupad! ‘Wag puro politika, ‘wag puro impeachment at ‘wag laging ChaCha ang unahin.

Agarang aksiyon ang kailangan natin ngayon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *