Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13 tulak, sugarol sa Bulacan nasakote 11 arestado sa iba’t ibang krimen

HINDI umubra ang pagiging tigasin ng mga pasaway na tulak at sugarol sa Bulacan nang pagdadamputin sila sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan hanggang nitong Linggo ng umaga, 6 Hunyo.

Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang apat na tulak sa ikinasang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Marilao, Pulilan, at San Miguel Municipal Police Stations.

Kinilala ang mga suspek na sina Chrismel De Juan at Norjannah Mayo, kapwa mula sa Brgy. Saog, Marilao; Danilo Danao, alyas Danica Bakla, ng Brgy. Longos, Pulilan; at Arvin Fernando, alyas Abat, ng Brgy. Tibagan, San Miguel.

Nakukha mula sa mga suspek ang may kabuuang 19 sachets ng hinihinalang shabu at buy bust money na dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa drug test at laboratory examination habang ang mga suspek na nakaku­long ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Samantala, sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng Hagonoy Municipal Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company at Criminal Investigation and Detection Group, naaresto ang siyam katao, lima ang naaktohan sa tupada habang timbog ang apat sa bookies.

Kompiskado mula sa mga suspek ang mga manok na panabong, tari, bungkos ng PCSO booklets, ballpen, stapler at cash/bet money na may kabuuang P6,145.

Nadakip rin ang anim na suspek sa pagresponde ng mga awtoridad sa iba’t ibang krimen na naganap sa mga bayan ng Baliwag, Pandi, at Pulilan.

Nasakote ang mga suspek sa mga krimeng Robbery (snatching) kaugnay ng RA 7610, Theft, at paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children).

Gayondin, naaresto ang limang wanted person sa serye ng mga manhunt operations na isinagawa ng tracker teams ng Meycauayan, Sta. Maria, Marilao, Criminal Investigation and Detection Group at AVSEU NCR.

Kinilala ang mga suspek na pinaghahanap ng batas, na sina Gonzalo Bautista, alyas Along ng Brgy. Malhacan, Meycauayan sa paglabag sa Section 11 at 12 ng RA 9165 (Dangerous Drug Act); Jessica Reniva ng Brgy. San Jose Patag, Sta. Maria sa paglabag sa RA 7610; Carlito Mendaros, alyas Mario, ng Brgy. Lawa, Meycauayan sa kasong Theft; Ramil Deocareza ng Brgy. Prenza 2, Marilao sa paglabag sa RA 9262; at Rey Dajay ng Subic, Zamabales para sa kasong Murder.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …