ISANG real estate broker at isa pang lalaki ang binawian ng buhay matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob ng sinasakyan nilang kotse sa Bacolod Real Estate Development Corp. (Bredco) port sa Brgy. 2, sa lungsod ng Bacolod, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 1 Hunyo.
Kinilala ang mga biktimang sina Dexter Bryan Ursos, 41 anyos, real estate broker, residente sa Brgy. 4; at Fernando Mahipos, 39 anyos, residente sa Brgy. 14, pawang sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay P/Capt. Paul Vincent Pendon, hepe ng Police Station 2, natagpuan ang mga labi ng mga biktima sa loob ng kulay silver na Mitsubishi Mirage, isang company car na minamaneho ni Ursos na inisyu sa kanya ng kompanya bilang real estate broker.
Bukod sa dalawang biktima, natagpuan rin sa tabi ng kotse ang isang 2-anyos bata na itinago ang pagkakakilanlan para sa kanyang kaligtasan.
Narekober ng pulisya mula sa sasakyan ang isang sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, P4,000 pekeng pera, at ilang personal na gamit ng mga biktima.
Narekober din sa pinangyarihan ng insidente ang walong basyo ng bala, at isang depormadong basyo ng bala ng kalibre.45 at kalibre 9mm baril, at isang piraso ng bakal.
Ayon kay Pendon, wala pa silang lead sa mga pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa likod ng insidente dahil wala pa rin lumilitaw na saksi hanggang sa kasalukuyan.
Sa kabila ng pagkakatagpo ng mga kontrabando sa loob ng sasakyan, hindi pa masabi kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang insidente.
Dagdag ni Pendon, inaalam nila ang background ng mga biktima at ang bata ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …