Saturday , November 16 2024

PNP 24-oras police ops ikinasa 22 law breakers timbog (Sa Bulacan)

(ni Micka Bautista)
 
SUNOD-SUNOD na naaresto ang 22 katao na pawang lumabag sa batas sa loob ng isang araw na police operations sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 1 Hunyo.
 
Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang siyam na drug suspect sa mga ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Units ng Baliwag, Malolos, Meycauayan, at San Rafael police stations.
 
Narekober sa operasyon mula sa mga suspek ang 20 selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu, cellphone, coin purse, motorsiklo na may sidecar, at buy bust money.
 
Samantala, nasukol ang siyam kataong pinaghahanap ng batas sa iba’t ibang manhunt operations ng tracker teams ng municipal/city police stations ng Bustos, Guiguinto, Marilao, Norzagaray, San Miguel, 2nd Provincial Mobile Force Company, at San Jose Del Monte, katuwang ang Regional Intelligence Division 3, Regional Intelligence Unit 3, PHPT Bulacan, 301st MC RMFB3, at Special Action Company (SAF).
 
Nahaharap ang mga nadakip na suspek sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 (b) ng RA 7610 (Child Abuse Law), paglabag sa Sec. 5 (i) ng RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children), paglabag sa Art. II Sec. 11 ng RA 9165 (Dangerous Drug Act), Robbery, Frustrated Murder at Attempted Murder.
 
Nadakip din ang isang 14-anyos child in conflict with law (CICL) mula sa Brgy. Antipona, Bocaue, dahil sa pagnanakaw ng assorted goods na may halagang P5,000 sa Bocaue Public Market, sa Brgy. Caingin, sa naturang bayan.
 
Inaresto rin si John Brian Belarmino ng Fatima II, San Jose del Monte, sa paglabag sa RA 10175 (Anti-Cyber Crime) at Estafa matapos mabigong i-remit ang halagang dapat bayaran sa ipinadala sa kanyang cellphone sa pamamagitan ng rider courier.
 
Gayondin, nadakip ang dalawang suspek sa pagresponde ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na insidente ng krimen sa mga bayan ng Norzagaray at Sta. Maria.
 
Kinilala ang mga suspek na sina Rommel Ravanilla ng Guyong, Sta. Maria na inaresto sa kasong Attempted Homicide; at Mark Anthony Tesoro ng Matictic, Norzagaray sa paglabag sa Art. 151 of RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority).

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *