Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elijah grabeng magmahal ng fans


MATABIL
ni John Fontanilla

GRABE palang magmahal ng kanyang mga tagahanga si Elijah Alejo kaya naman 10 years na silang magka­kasa­ma ng kan­yang loyal supporters.

Thankful at grateful si Elijah sa kanyang fans na itinuturing na rin niyang pamilya dahil grabe ang suporta ng mga ito simula pa nang mag- artista siya hangang ngayon.

Ito rin ang kanyang mga tagapagtanggol kapag may mga nang-aaway sa kanya, kaya naman lagi siyang nagbibigay ng oras para makasama ang mga ito para makausap at maka-bonding.

“Pero before po ng pandemic, nagbo-bonding po kami especially ‘pag birthday ko po.

“Pero ngayong pandemic mayroon po kaming GC (group chat) sa Facebook at doon kami nagkukumustahan at doon ko rin ikinukuwento ang latest sa akin.

“Pamilya na rin po kasi ang turing ko sa kanila, kaya masaya po ako na nakakamusta ko sila at nakakapag-kuwentuhan kami.”

At kahit pandemic, masaya si Elijah na hindi siya nawawalan ng trabaho dahil kahit matagal nang natapos ang Book 1 ng Primadonnas ay sunod-sunod naman ang guesting at ang latest ay sa Wish Ko Lang kasama si  Geli De Belen, bukod pa sa bago niyang regular show sa Kapuso Network. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …