Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arkin Del Rosario certified Regal Baby na

PUMIRMA ng kontrata sa Regal Films ang dating Walang Tulugan with The Mastershowman co-host at Star Magic Circle Batch 19 na si Arkin Del Rosario kaya naman isa na itong ganap na Regal Baby tulad nina Gabby Concepcion, Albert Martinez, William Martinez atbp..

Masaya nga ang guwapong teen actor na mapabilang sa kuwadra ni Mother Lily Monteverde lalo’t bata pa ito ay nanonood na siya ng mga pelikula ng Regal Films at ngayon ay siya na ang mapapanood sa mga up-coming films ng Regal.

At habang naghihintay pa ito ng pelikulang gagawin sa Regal, pagbabasa ng libro at pagwo-workout ang pinagkakaabalahan ni Arkin.

Kuwento nito, ”Bata pa lang po ako mahilig na talaga akong magbasa ng libro, kaya naman kapag wala akong pinagkakaabalahan at wala akong taping or shooting, ang pagbabasa ng libro ang aking pinagkakabisihan.

“Bukod dito, lagi rin akong nagwo-workout para mapanatili kong okey ‘yung body ko and para sa health na rin.

“Lalo na ngayong pandemic na limitado ang galaw dahil bawal gumala-gala kaya sa bahay kang ako at nagwo-workout.”

Dagdag pa ni Arkin na nakipag-meeting na sila sa Regal sa kung anong mga proyekto ang gagawin niya ito at excited na siyang gumawa ng pelikula sa nasabing film outfit.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …