Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Kenneth Giducos Khaine Dela Cruz
John Kenneth Giducos Khaine Dela Cruz

Magkapatid na nawalay sa ina tampok sa MPK

NGAYONG Sabado (May 29) sa Magpakailanman, balikan ang natatanging kuwento ng magkakapatid na nawalay sa kanilang ina at natutong lumaban sa murang edad.

Lingid sa kaalaman ng ina ni Alexis (John Kenneth Giducos) na sinasaktan ito ng kanyang stepfather habang nakikipagsapalaran siya sa Maynila. Sa murang edad ay naiwan kay Alexis ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga nakakabatang kapatid—si Aljur (Seth Dela Cruz) at AJ (Khaine Dela Cruz) na may Cerebral Palsy.

Nang mas naging bayolente ang kanyang stepfather ay lumayas siya kasama ang kapatid na si AJ at naiwan si Aljur sa kanyang ama. Dumidiskarte si Alexis kung paano mapapakain at mabubuhay ang kanyang maysakit na kapatid.

Para ‘di lumiban sa klase, buhat-buhat ni Alexis si AJ patungong eskuwelahan na siyang kinunan naman ng litrato ng kanyang guro. Nag-viral ang litrato sa social media at hinangaan si Alexis sa kanyang kasipagan at pagmamahal sa kanyang kapatid na may kapansanan.

Tunghayan ang nakaaantig na kuwento ng Kuya na, Nanay Pa: The Alexis Peralta Story sa Sabado, 8:00 p.m., sa Magpakailanman.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …