Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ramona Fabie Edgar Mande
Ramona Fabie Edgar Mande

Edgar Mande muling ikinasal

SA ikaapat na pagkakataon, muling ikinasal ang dating Liberty Boy (kasama ng mga orig na Rey Abellana at Lito Pimentel) na si Edgar Mande sa kanyang long-time girlfriend and live-in partner na si Ramona Fabie.

Matagal na panahon ng tinalikuran ni Edgar ang showbusiness. Na ang karera ay nagsimula noong dekada ‘’80 at ginabayan ng manager at reporter na si Alfie Lorenzo.

Sinagupa ni Mande ang mahirap na pamumuhay sa Amerika. At matapos ang ilang taon ay nakilala niya si Mona. At nagpatuloy na siya sa pangarap na magkaroon ng magandang buhay sa bansa ni Tiyong Sam.

Sa Los Angeles, California sila nakabase ni Mona at ng dalagang anak ni Edgar.

Kaya 45 minutes ang itinagal ng lipad ng kanilang nilulanang helicopter patungong Las Vegas, Nevada para sa kanilang pag-iisang-dibdib. At sinundo ng limosina patungo sa kung saan sila magpapalitan ng walang hanggang pagmamahalan.

Kung may pagkakataon na makauwi sila ng Pilipinas, hindi nakaliligtaan ni Edgar na makipag-reunion sa mga kasama niya sa industriya.

At sa Amerika naman, sige rin siya sa pakikipagkita sa mga artistang mas pinili na rin na doon na manirahan.

“It’s my 4th wedding. Sana ito na ang huli! Ibinigay ng Diyos sa akin si Mona (na isang Nurse sa isang malaking pagamutan doon). Wala ng part 5. Haha. Ang sa akin eh, maging masaya tayo sa buhay natin. Dahil life is short, sabi nga. Ang mga magkaka-away eh, magbati-bati na. Masayang-masaya, ‘yun ang pakiramdam.”

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …