AMINADO si Dave Bornea na nakatatanggap siya ng mga indecent proposal.
“I think hindi naman po yata siya maiiwasan,” sambit ni Dave.
Napaka-macho at hunk na hunk naman kasi ni Dave, lalo na sa mga Tiktok video niya na wala siyang saplot na pang-itaas kaya hindi nakapagtataka na marami ang nagnanasa sa kanyang katawan
Ano na ba ang offer na medyo ikinagulat ni Dave? May ibang mga male model or aktor na kung alukin ng mga mayayamang gay ay kotse o condo na ang usapan.
“Ahhh noong una, noong first time kong na-experience siya, of course, parang so good to be true! Pero para sa akin kasi …
“’Yung mga too good to be true na ganyan, na malalaki.
“Pero ako hindi naman po ako nagpapa-ano riyan, eh. I mean hindi ko siya masyadong pinagtutuunan ng pansin.
“Kasi nga parang… para saan ba siya and of course hindi ko naman gaanong kakilala ‘yung mga nagga-ganun so, hinahayaan ko lang siya.
“Pero naa-appreciate ko naman din sila.”
Flattered naman din si Dave na may mga nag-aalok sa kanya ng ganoon.
“Oo naman pero parang iyon nga, I’m not into that kaya thank you na lang, thank you po pero ano, next time,” ang tumatawang sinabi ni Dave.
Rated R
ni Rommel Gonzales