Ani Angelika, “Ito na po yung parang magiging debut ko na rin, parang same rin po noong nag-birthday ako noong 13 ako, nag-donate rin po kami ng mga pagkain, ng mga gamit sa mga matatanda po, at iba pa po.”
Sila’y nag-donate sa Sister Handmaids of Charity of St. Vincent de Paul at Kanlungan ni Maria-Home for the Aged. Plus, magbibigay din sila ng pagkain sa mga taong nasa kalye.
Esplika pa ng Kapuso actress, “Actually, wala po talaga sa plano iyon, dahil hindi po ba supposedly ay magde-debut ako? Pero ang ginawa na lang po namin ni mama, since pandemic ngayon, naisip namin na mag-donate na lang ulit doon sa same place, and halos every year naman po ay nagdo-donate kami roon.
“Ang plano po talaga (sa debut) ay simpleng celebration na lang, wala pong big celebration. Kasi siyempre po, naisip po namin una sa lahat, iyong mga taong walang makain sa panahon ngayon ng pandemic. Kaya naisip po namin na mag-donate na lang ng mga pagkain sa mga taong nasa kalsada. Magbibigay na lang po kami ng mga pagkain sa kanila,” saad pa ng akteres na mapapanood very soon sa TV series ng Net25 titled Love From The Past starring Claire Ruiz, Francis Magundayao, Sean de Guzman, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.
Ano ang kang birthday wish? “Ang birthday wish ko po ay good health sa family ko at sa akin din po. Tapos, sana po ay mag-end na rin ang pandemic para tuloy-tuloy na rin ang mga project. Kasi po ay ang daming nawala talaga, eh. Sa showbiz career ko po, wish ko po na sana ay mag-bloom pa po lalo iyong career ko, kasi ay excited na po ako sa mga dapat mangyari noong time na wala pong pandemic.
“Ang isa pa po sa wish ko ay parang gumaling din po ako sa acting skills ko. Nagfo-focus po ako sa talents ko, sa dancing, singing, nagfo-focus po talaga ako nang sobra. Nagte-training po ako ng solo ngayon, dati po ay nagte-training ako kay Sir Jojo Acosta, as my voice coach. Pati po sa acting workshop, dati ay nag-undergo po ako kay Tita Gladys Reyes, tapos ay nag-PETA theater din po ako. Kaso ay natigil po dahil sa school,” lahad pa ni Jelay (nickname ni Angelika).
Please follow Angelika on Tiktok: @angelikasantiago_ at mag-subscribe rin sa vlog niya (youtube channel) – Angelika Santiago.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio