Sunday , December 22 2024

Rape-slay con robbery sa QC, solved in 2 hours

TAMA po ang nabasa ninyo, sa loob lang ng dalawang oras ay agad nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagnanakaw, panggagahasa, at pagpaslang sa biktimang kinilalang si Norriebi Tria, alyas Ebang Mayor, residente sa lungsod.
 
Hindi nakapagtataka ang mabilisang trabaho ng QCPD dahil hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng nakararami na ang pulisya ang taunang nag-uuwi ng parangal na “Best Police District” sa tuwing isineselebra ng NCRPO ang kanilang founding anniversary.
 
E, malamang maiuuwi uli ito ng QCPD dahil isa na namang magaling na heneral ang itinalaga dito bilang District Director, si P/BGen. Antonio Yarra. Si Yarra ay masasabing orihinal na QC police at bago siya nagpalipat-lipat ng assignment (promotions) ay malaki ang kanyang naging kontribusyon sa QCPD para maparangalan sa mga nagdaang taon o noong nasa QCPD siya.
 
Alam nyo naman na hindi nagpapahuli ang QCPD pagdating sa kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga maging sa kampanya laban sa mga police scalawags.
 
Balik tayo sa kaso ni Ebang Mayor, nalutas agad ang kaso hindi lamang dahil sa kagalingan ng mga detektib ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Elmer Monsalve kung hindi dahil na rin sa leadership, supervision at todo-todong suporta ni Yarra.
 
E sino ba si DD, bakit mabilis na nalutas ang kaso sa ilalim ng kanyang pamumuno? Sa mga hindi po nakaaalam, si DD ay masasabing isang orihinal na detektib. Hindi lang ordinaryo, kundi beteranong detektib at naging pinuno pa siya ng mga detektib.
 
Naging hepe siya ng CIDU, ang ‘bahay’ ng magagaling na detetib. Kaya hindi na nakapagtatakang nalutas agad ang kaso ni Mayor sa loob ng dalawang oras.
Pinagsama ba naman ang kagalingan ng beteranong detektib, si Yarra at si Monsalve na isa rin sa magagaling na lider ng mga detektib ng QCPD ngayon, ang CIDU.
 
Nitong 20 Mayo 2021, dakong 2:30 pm, natagpuan ang biktima sa bakanteng lote a Sitio Bakal, Brgy. Bagong Silangan, QC. Agad nirespondehan ng CIDU ang insidente at sa pag-iimbestiga, nalaman na si Zander Dela Cruz ay isa sa malapit na kaibigan ng biktima kaya inimbitahan para maging saksi sana o makapagbigay ng impormasyon hinggil sa biktima.
Pero sa proseso ng imbestigasyon, nakonsensiya si Dela Cruz at inamin niya sa harapan ng tatay ng biktima na si Rommel, na kasabwat siya sa krimen. Inamin niyang isa siya sa humampas ng bato sa ulo ng biktima nang magising nang mawalan ng malay matapos na sikmuraan.
 
Hayun, sa pagkanta ni Dela Cruz makalipas ang dalawang oras simula nang matagpuan ang bangkay ng biktima, maikokonsidera nang lutas ang krimen.
 
Ayon kay Yarra, Ikinanta ni Dela Cruz ang kanyang mga kasabwat na sina Joel Loyola alyas Nonoy/Nonoy Sablay, at Richard Elvin Azara.
 
Ani Dela Cruz, hinampas niya sa ulo ang biktima habang hinahalay ni Loyola nang maalimpungatan.
 
Dagdag ni Dela Cruz, hinampas din nina Loyola at Azara ang biktima at bago nila iwanan ang biktima, tinangay nila ang mga personal na kagamitan sa katawan.
 
Alam n’yo my dear readers, kalunos-lunos ang nangyari sa biktima, nakita ko ang larawan na kuha sa crime scene. Nakaaawa ang biktima. Hindi lang ito kagagawan ng simpleng kriminal kung hindi ng nasa impluwensiya ng droga.
 
Makaraan, ayon kay Yarra, matapos umamin at kumanta si Dela Cruz, hindi na siya nagsayang ng oras, agad niyang inatasan ang grupo ni Monsalve na magsagawa ng hot pursuit operation.
 
Dakong 8:00 pm, nitong 2 Mayo, hindi na nagsayang ng oras ang CIDU na nagresulta sa pagkaaresto kay Azara sa kanilang bahay sa Phase 4, Luzon St., Brgy. Payatas B, Quezon City, at Loyola sa kanila lugar sa Phase 3, Block 7, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, QC.
 
Nakuha kay Azara ang cellphone ng biktima habang baril ang narekober kay Loyola.
 
Hayan, ganyan kabilis nalutas ng QCPD sa pamumuno ni DD Yarra ang kaso, siyempre dahil din sa magagaling na detektib ng CIDU.
 
‘Ika nga, hindi na nakapagtataka ang mabilisang trabaho ng QCPD, beteranong detektib ba naman ang DD ngayon habang, magagaling din na detektib ang mga nasa CIDU sa pangunguna ni Monsalve.
 
Siyempre, kaugnay nito ay sinaludohan ni PNP Chief, PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang QCPD sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Yarra sa mabilisang paglutas sa kaso.
 
“I am deeply saddened by this incident and I would like to extend my deepest condolences to the bereaved family. This incident is inhumane. The immediate apprehension of the three suspects is the result of the untiring commitment of our police operatives and the intensified campaign against all forms of criminality,” pahayag ni Eleazar.
 
Sa QCPD, P/BGen. Yarra, P/Maj. Monsalve sampu ng mga opisyal at tauhan ng CIDU, saludo ang bayan sa inyo. Congratulations!
 
ProudToBeQCPD
 
AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *