Saturday , November 16 2024
HINARANG ng mga awtoridad ang daan-daang eskursiyonista na gustong maligo sa mga tanyag na paliguan sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan dahil 30% capacity lamang ang pinapayagan sa mga ilog ng Bakas at Kanyakan ngunit nagpupumilit ang iba pa kaya bumigat ang trapiko ng mga sasakyan sa lugar. Ang mga nagpumilit at lumabag sa health protocols ay inisyuhan ng tiket ng pulisya. (MICKA BAUTISTA)

75 eskursiyonista tinekitan ng PNP sa Norzagaray (Libo-libo dumagsa sa ilog)

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya upang matukoy kung mayroong pananagutan ang mga lokal na opisyal sa pagdagsa ng libo-libong eskursiyonista sa mga ilog sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan noong Linggo, 23 Mayo.
 
Ito ay matapos mabatid na ilang barangay officials ‘umano’ ang naningil ng ‘entrance fee’ sa mga dumagsang eskursiyonista.
 
Napag-alamang sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng mas pinahigpit na general community quarantine (GCQ) ay tinatayang dalawa hanggang tatlong libong katao ang dumagsa sa Bakas River at Kanyakan River, sa Brgy. Matictic, sa nabanggit na bayan kamakalawa.
 
Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nang matanggap ang ulat ay agad umaksiyon ang mga tauhan ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) at Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company at dito nila inabutan ang maraming eskursiyonistang lumabag sa ipinatutupad na Minimum Public Safety Health Standard protocol ng IATF.
 
Nabatid, maging si Norzagaray Mayor Fred Germar ay nasa lugar ng mga oras na iyon at pilit nakikiusap sa mga taong dumagsa na magsiuwi sa kani-kanilang tahanan at sundin ang ipinapairal na guidelines ng IATF.
 
Ayon sa ulat, nabigyan ang 75 eskursiyonista ng Provincial Citation Tickets, samantala ang iba, sa pangambang makasuhan ay dali-daling sinunod ang tagubilin at nagsilisan.
 
Kasama sa iimbestigahan ng pulisya ang sinasabing paniningil ng entrance fee ng mga barangay official sa mga taong nagpunta sa ilog.
 
Dagdag ni Cajipe, ang Bulacan PNP ay patuloy sa pagbibigay ng mga babala sa mga mahuhuling lumalabag sa health and safety protocols sa lalawigan at sisiguraduhin ang maigting na pagpapatupad upang matiyak na nasusunod ang mga kautusan ukol sa ordinansa, proklamasyon, memoranda at executive order sa kasalukuyang community quarantine. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *