Saturday , November 16 2024

Tulak kumagat sa pain, piniling manlaban kaysa sumuko, todas (23 drug suspects natimbog)

IMBES sumuko matapos masukol sa pagtutulak ng ilegal na droga, mas pinili pang manlaban ng isang lalaki sa mga awtoridad na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles, 19 Mayo.
Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, nagsagawa ng magkasanib na operasyon ang Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) na pinamumunuan ni P/Maj. Jansky Andrew Jaafar at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Plaridel Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Lumangbayan, sa bayan ng Plaridel dakong 1:00 am kahapon na nagresulta sa pagkamatay ng drug suspect na kinilala sa alyas na Alex.
Nabatid na kumagat sa pain na drug deal sina alyas Alex at isang kasamang tulak sa poseur buyer ngunit nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya pumalag.
 
Pilit pa rin pinasusuko ng alagad ng batas ang mga suspek ngunit imbes sumuko ay bumunot ng baril si alyas Alex at nagpaputok kaya napilitan ang mga back-up security na gumanti.
 
Sa palitan ng putok, tinamaan si alyas Alex na nagresulta sa kanyang kamatayan habang ang kasama niyang tulak ay sinamantala ang pagkakataon at nagawang makatakas sakay ng isang asul na motorsiklo.
 
Samantala, nasakote ang 23 pang drug suspects sa mga serye ng ikinasang drug sting ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Rafael, Norzagaray, Plaridel, Bustos, Bocaue, Sta. Maria, San Ildefonso, San Jose del Monte, at Marilao PNP hanggang kahapon.
 
Nakompiska sa mga supek ang 59 selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu, dalawang cut-opened sachets ng shabu; iba’t ibang drug paraphernalia; isang puting Toyota Vios, may plakang ECR 4564, at buy bust money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *