ISANG makabuluhang awitin ang laman ng bagong single ng business woman at Mrs Universe 2019, Charo Laude, ang Pikit Mata.
Ayon kay Charo, ”It’s a song inspired by something very important to me, kaya nang ibinigay sa akin ‘yung kanta at nabasa ko ‘yung lyrics nagustuhan ko kaagad.
“Mayroon siyang social relevance, love for our surroundings and the importance of less fortunate people.
“And it’s our duty to make sure that we can contribute in any way to make our world better and improve the quality of lives for everyone,
“But it all starts with ourselves. We can all make a difference if we set our minds to do so.
“And para sa akin, kahit man lang sa awitin kong ito ay maipadala ko ang mensahe ng pagtutulungan, peace, pagmamahalan at tiwala sa Diyos na lumikha sa ating lahat.
“Lalo na ngayon nasa gitna tayo ng pandemya na ang tangi nating kakapita ay ang Diyos.”
Nawa’y maraming Filipino sa buong mundo ang makapakinig ng awiting Pikit Mata ni Charo Laude.
Ang Pikit Mata ay mula sa komposisyon nina Abe Hipolito at Tess Aguilar, music mic mastered by Rannie Raymundo hatid ng Alakdan Records.
MATABIL
ni John Fontanilla