PATULOY ang pagtugon ng Globe At Home Prepaid Wifi sa pangangailangan ng matibay at abot-kayang internet, kabilang na rito ang kanilang mas pinalakas na HomeSURF99. Papatok ito habang ang bawat miyembro ng pamilya ay work-from-home o nag-aaral online sa bahay.
Nasa 15GB na ito at gagana nang hanggang limang araw.
Sa murang halaga na 99 pesos lang ay may 10GB na ng data para patuloy ang pag-aaral, pagnenegosyo, o paggamit ng social media para sa buong pamilya. May additional pa na 5GB (1GB daily) data para magamit ang iba’t ibang watch, learn, chat, at earn apps gaya ng YouTube, Google, Messenger, Shopee, GCash, at iba pa.
Sulit na sulit mula kay nanay, tatay, ate, kuya, hanggang kay bunso.
“Ilan lang po ito sa mga iniaalok naming solusyon para matulungan at mapaganda ang internet connectivity ng ating kapwa Pinoy ngayong pandemya. Making our Globe At Home products more accessible and affordable is part of our larger commitment to care for the masses and provide internet access for all,” sabi ni Darius Delgado, Globe Vice President at Head of Broadband Business.
Bukod sa abot-kayang halaga, abot-kaya rin ang pagpapa-load gamit ang Globe At Home app o kaya GCash app. Maaari rin puntahan ang pinakamalapit na suking Globe Store o tindahan para mag-reload ng HomeSURF99.
Mag-load na para ma-experience ang bigating data para sa pamilya mula sa Globe At Home Prepaid Wifi.
Kaya tuloy-tuloy rin ang pagpapatayo ng Globe ng mga cell site at pag-upgrade ng network nito para makamit ang tinatawag na #FirstWorldNetwork sa bansa.
Lahat ito ay nakasentro sa pagpapaganda ng karanasan ng aming mga kustomer sa aming network. Layon ng Globe na itaguyod ang 10 United Nations Global Compact principles at 10 United Nations Sustainable Development Goals.