Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Sabotahe si Trillanes

KUNG propaganda ang pag-uusapan, masasabing mahina talaga ang ulo o row 4 itong si dating Senador Sonny Trillanes.  Sa halip kasing makatulong sa oposisyon, mukhang nakagugulo pa dahil sablay ang ginagawa para tuluyang ‘lumpuhin’ ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kung tutuusin, hilahod na hilahod na si Digong dahil na rin sa mga kapalpakan ng kanyang gobyerno lalo sa pagharap sa problema ng CoVid-19 at usapin ng pagsakop ng Tsina sa West Philippine Sea.

Hindi kayang salagin ni Digong ang sunod-sunod na kritisismo laban sa kanya at hindi malaman ng mga alipores nito kung paano ipagtatanggol ang kanilang ‘naghihingalong’ pangulo.

Lalo pang nasilaban ang galit ng taongbayan nang mismong aminin ni Digong na “joke” lang ang kanyang sinabi na sasakay siya sa isang jet ski papuntang Spratly Islands at ilalagay doon ang bandila ng Filipinas.

“Pure campaign joke at ang maniwala ay estupido!” sabi pa ni Digong.

At sa gitna ng kaliwa’t kanang upak kay Digong, at hindi maawat-awat na galit ng mamamayan, biglang sulpot naman si Trillanes at nakapagtatakang ideklara na tatakbo siya sa susunod na pambansang eleksiyon bilang pangulo.

Umintriga pa ang damuho nang sabihing malamang na tumakbo na lamang si Vice President Leni Robredo bilang gobernador sa Camarines Sur at hindi maaaring walang pambato ang oposisyon sa darating na presidential elections.

Dito mabilis na naglabas ng pahayag ang kampo ni Robredo at sinabing wala pang tiyak na desisyon ang pangalawang pangulo sa usaping pagtakbo sa darating na pambansang eleksiyon sa 2022.

Dahil sa deklarasyon ni Trillanes, tuwang-tuwa ang mga operator ni Digong dahil nakakuha ng buwelo para malihis ang mga puna sa kanilang pangulo at ikarga ang intriga na meron hidwaang nagaganap sa loob ng oposisyon sa pagitan ni Trillanes at ni Robredo.

Kung tutuusin, mali talaga ang ginawa ni Trillanes. Wala ito sa timing at maituturing na diversionary move pabor sa administrasyon, at dahilan para makabangon sa usapin ng propaganda si Digong at maibalik ang banat sa oposisyon.

Ito ang sinasabi nating nakatatakot kay Trillanes. Hindi natin alam kung nag-iisip o sadyang merong saltik lang at kung ano ang makursunadahan ay gagawin kahit hindi alam kung anong negatibong implikasyong maaaring maidulot sa kanilang hanay.

Sana maisip ni Trillanes, sa bakbakang propaganda, kinakailangang sama-sama, kapit-bisig at walang lilihis, at nakasentro ang birada sa kalaban.  Sabi nga, walang sabotahe!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *