Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kakai bigyang respeto ang sarili; Mario Maurer tigilan

INAASAHAN namang tatanungin ang Thai matinee idol na si Mario Maurer tungkol sa mga bagay na iyon, pero mali naman yatang sabihin na binara siya dahil lamang doon. Kung may mali man sa kanilang statement ang management company ni Mario laban kay Kakai Bautista, siguro naman nakunsumi na sila sa mga lumalabas na publisidad.

Nagkasama lamang ang dalawa sa isang pelikula ng Star  Cinema noon, marami na ang lumabas na kuwento pagkatapos niyon na hindi man diretsahang sinasabi, lumulutang na nagkaroon ng affair si Mario at si Kakai. Noon pa mayroon nang conflict.

Nang unang magbalik sa Pilipinas si Mario para mag-endorse ng garments, kasama na sa kundisyon ng management company niya na hindi dapat makalapit sa kanya ni Kakai.

Hindi pa rin natigil ang mga tsismis. Sinabi na ni Mario na ang lahat ng mga sinasabi tungkol sa kanila ni Kakai ay walang katotohanan, at para matigil na nga iyan, sumulat ang kanilang abogado kay Kakai na tigilan na iyan. Sa parte naman ni Kakai, sabihin man niyang totoo iyon, eh ikinaila na siya eh, dapat bigyan naman niya ng respeto ang sarili niya at tumigil na siya. Ano pa ba ang ilalaban mo eh ikinaila ka na?

Ewan bakit nga ba bakit hanggang ngayon binabatak pa iyang istoryang iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …