KAHILA-HILAKBOT ang naging kamatayan ng isang siklista nang mahati ang katawan matapos masagasaan ng isang AUV sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1o Mayo.
Nabatid sa ulat ng pulisya, sakay ng kanyang bisikleta ang biktimang kinilalang si Tani Cruz nang sagasaan ng isang AUV, may plakang ZKX 667.
Sa tindi ng pagkasagasa sa biktima, nagkalasog-lasog ang kanyang bisikleta samantala ang unahang bahagi ng AUV na bumangga sa pader ay nagkayupi-yupi.
Bukod kay Cruz, nasugatan din ang apat na rider sa insidente, pero mapalad na agad nadala sa ospital.
Sa kasalukuyan, hawak ng mga tauhan ng Meycauayan City Police Station ang driver ng AUV na kinilalang si Ildefonso Magcasi, Jr., napag-alamang isang dating barangay chairman.
Ayon kay Magcasi, umatake ang kanyang epilepsy habang nagmamaneho kaya hindi niya nakontrol ang manibela na naging sanhi ng insidente.
Sinabi rin niyang handa siyang makipag-usap nang maayos sa pamilya ni Cruz at magbayad ng danyos gayondin sa iba pang mga biktima. (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …