Thursday , December 26 2024

106th Iloilo Malasakit center, inilunsad

BAHAGI ng programang maipagkaloob ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa ay naihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na isusulong nito ang pagpapaigting ng public health na bahagi ng kaniyang mensahe sa inilunsad na 106th Malasakit Center sa Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital, Barotac Nuevo, Iloilo.

“Witness ako roon. Napakaraming hospitals ang kulang ang hospital beds. Wala pa ang pandemyang ito, nakikita ko nakalinya na ang mga kama sa labas ng corridor, ang mga batang pasyente nagtatabi sa isang kama. Paano natin mao-observe ang social distancing sa panahong ito kung ganyan ang sitwasyon natin? Kaya I am here to give my support para ma-increase ang bed capacities ng ating public hospitals. I am very willing to help para mapabilis at mapirmahan agad ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga kailangang batas,” saad ni Sen. Bong Go sa kaniyang naging virtual speech.

Pinasalamatan din niya ang pagseserbisyo at sakripisyo ng medical frontliners para masugpo ang paglala ng CoVid-19 at kinakailangan aniyang mabigyan sila ng suporta upang maprotektahan ang kanilang mga kalusugan.

Ipinanawagan kamakailan ni Go sa gobyerno na remedyohan ang sitwasyon upang huwag mabinbin ang pagsasagawa ng Professional Board Exams lalo sa mga nagsipagtapos ng nursing upang mapabilang sa medical work force.

Ang PRC ay nagpahayag na ang May 2021 Nursing Licensure Exam schedule na dating naitakdang Nobyembre 2021 ay gagawin ngayong 3-4 Hulyo 2021.

“Nakausap ko ang Inter-Agency Task Force at last week pumayag na sila na bigyan priority ‘yung mga personnel at examiners ng Professional Regulation Commission para hindi maantala lalo ang nursing board exams,” saad ni Go na kamakailan ay iniapela at sinang-ayunan ng National Task Force Recovery Cluster na ang PRC frontline personnel ay isama sa A4 priority group na mababakunahan.

“Bilang long-time health advocate, personal kong misyon ang palakasin ang kalusugan ng ating mga kababayan. Kaya sinisigurado ko na isusulong ko ang mga batas, polisiya at programa na magpapabuti ng kalusugan ng bawat Filipino. Ngayon na nasa gitna tayo ng pandemya, we are trying to balance the economy and public health. Pero para sa akin, dapat unahin natin ang kalusugan at buhay ng bawat Filipino dahil a lost life is a lost life forever,” ani Go na siyang may akda ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.

Ang Don Jose S. Monfort Medical Center ang ikalawang ospital sa Iloilo na bumuo ng Malasakit Center dagdag sa Western Visayas Medical Center ng Iloilo City.

Pinasalamatan ni Go ang iba’t ibang mga opisyal na nagsidalo sa okasyon tulad nina 4th District Representative Braeden John Biron, Iloilo City Rep. Julienne Baronda, Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, Assistant Sec. Girlie Veloso ng Office of President, DSWD Assistant Regional Director for Operations Delia Bagolcol, Chief of Hospital Dr. Mariano Hembra at Chief of Clinics Dr. Ma. Nanette Pabilona.

Pinasalamatan din niya ang local representatives ng Malasakit Center program’s partner agencies na sina PCSO Iloilo Assistant Branch Manager Ryan Avelino, PCSO Social Worker Nestle Joy Quintils at PhilHealth Iloilo Management Services Division Head Jane Monteverde.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *