APAT na lalaking tinaguriang ‘rich kids’ ang inaresto ng mga awtoridad, matapos makompiskahan ng halos
P1.9 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy nitong 6 Mayo sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Timothy Joseph Espiritu, alyas Elix, Lorenzo Vito Barredo, John Valdueza Galas, at Aureo Alota Cabus, Jr.
Nakompiska sa apat na ‘rich kids’ ang 500 pcs. Molly (capsulized Ecstasy) na tinatayang P1,750,000 ang halaga base sa standard drug price (SPD); 100 pcs. MDMA (Ecstasy tablets) may P200,000 SPD, buy bust at boodle money, isang Range Rover, may plakang PDQ 397, identification cards, 1 unit Iphone, at 1 unit Android phone.
Pinuri ni NCRPO Regional Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., ang matagumpay na joint buy bust operations ng mga operatiba ng PDEA RO-NCR, Southern Police District sa pamumuno DD P/BGen. Eliseo Cruz at PCP-BGC Police Station na nagresulta sa pagkakadakip ng pinaniniwalaang malalaking drug courier.
Samantala, inihahanda ang kaukulang asunto na paglabag sa Sections 5 , 11 at posibleng 15 Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay RD Danao, “Team NCRPO will not waver in our campaign against illegal drugs despite the current health crisis. We will continue to protect our people and we will never allow drug personalities to thrive in the community.” (ALEX MENDOZA)
Check Also
DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth
In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …
Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika
HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …
‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa
TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …
2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad
DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …
Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan
BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …