HINDI alintana ang matinding init ng panahon, at kahit pawisan, tuloy pa rin sa pagsusugal ang mga naarestong kalalakihan sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 11 Mayo.
Nadakip ang tatlong suspek na kinilalang sina Deopete Valdemar, Justin Encartado, at isang 16-anyos na menor de edad, pawang mga residente sa Barangay Bayugo, sa nabanggit na lungsod sa unang anti-illegal gambling operation na ikinasa ng mga tauhan ng Meycauayan City Police Station (CPS).
Naaktohan ang tatlong suspek ng mga awtoridad na nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa bangketa gamit ang mga yupi-yuping baryang piso na ginagamit bilang ‘pangara’ at bet money.
Kasunod nito, naaresto rin ang mga suspek na kinilalang sina Jayson Velasco, Rhomel Policarpio, Oliver Salvador, Renato Rulloda, Jr., Romeo Policarpio Sr., Antonio Recinto, Jr., Armando Pingol, Edmund Braza, at Eduardo Dionisio, pawang mga residente sa Saluysoy, sa naturang lungsod.
Naaktohan ang mga nabanggit na suspek na nakapaikot sa loob ng isang bilyaran at nagpupustahan habang may tumutumbok ng bola sa billiard table.
Narekober ng mga awtoridad ang mga billiard balls, cue sticks, set ng barahang pangsugal at bet money.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong suspek sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …