NALAGLAG sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang lalaking pinoproblema ng mga residente dahil sa pagiging talamak na tulak sa kanilang lugar sa mga bayan ng Norzagaray at Angat, sa lalawigan ng Bulacan.
Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) ang suspek na kinilalang si Ejay Ramos ng Tabtab, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Norzagaray.
Nasakote si Ramos, na sinasabing walang takot at halos lantaran kung magtulak ng shabu sa kanilang barangay, nang kumasa sa ipinaing buy bust operation ng mga tauhan ng Norzagaray MPS.
Samantala, nakorner ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang isa pang suspek na kinilalang si Anthony dela Cruz, isa rin notoryus na tulak sa kanilang lugar, sa Brgy. San Roque, sa bayan ng Angat.
Nabatid na matagal nang tinututukan ng mga awtoridad si Dela Cruz na isang notoryus na tulak sa Brgy. San Roque at mga kanugnog nitong barangay sa Angat.
Sa pinaigting na kampanya ng mga miyembro ng Angat MPS, nasukol din ang suspek sa kanyang pinaglulunggaan nang kumasa sa inilatag na buy bust operation.
Sa pagkakasakote sa dalawa, malaki ang pasasalamat ng mga residente sa pulisya ng Norzagaray MPS at Angat MPS dahil nawala ang kanilang pangamba na maging biktima ang kanilang mga anak ng ipinagbabawal na gamot.
Nasamsam ng pulisya sa operasyon ang limang selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money mula sa mga suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …