Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang naiyak nang maalala ang ina

HINDI naiwasang maiyak ni Pokwang sa virtual movie presscon ng Mommy Issues, Mother’s Day offering ng Regal Entertainment Inc. na ipalalabas sa  May 7 sa Upstream, KTX, iWant, at TFC sa tuwing mapag-uusapan ang kanyang yumaong ina.

Miss na miss na ni Pokwang ang kanyang ina.

Kuwento ni Pokwang, ni minsan ay ‘di nakialam ang kanyang mommy, very supportive ito at nagbibigay lang ng suhestiyon sa kanya.

At dahil malapit na ang Mother’s Day, gusto lang nitong iparating sa kanyang yumaong ina na mahal na mahal niya ito at sana ay lagi siyang bantayan nito pati na rin ang kanyang pamilya.

Ibinahagi rin nito ang role na kanyang ginagampan sa Mommys Issues bilang si Ella, anak ni Fenny, Miss Universe 1969 Ms. Gloria Diaz at Mommy ni Katya, Sue Ramirez.

Si Ella ay isang hardworking single mother na ibinigay ang buong buhay sa kanyang nag-iisang anak na si Katya, dahil sa sobra-sobrang pagmamahal sa anak.

Dagdag pa ni Pokwang, si Ella ay nagkaroon ng karelasyon na mas bata sa kanya, si Mr. Kim Jae Ho (Ryan Bang)  nan a-enjoy nang husto ni Pokwang ang harutan nila nito sa nasabing pelikula.

Makakasama rin ni Pokwang sa Mommys Issues si Jerome Ponce  mula sa panulat at direksiyon ng award winning director na si Jose Javier Reyes. Mapapanood ang trailer ng Monmy Issues sa Youtube, Facebook, Tiktok, at IG ng Regal Entertainment Inc.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …