UMABOT sa 114 Navoteños ang nakuopleto ang iba’t ibang technical and vocational courses mula sa Navotas Vocational Training at Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Sa bilang na ito, 36 ang nakompleto ang Japanese Language at Culture I habang 12 ang naka-graduate mula sa Japanese Language at Culture II program. Labing lima sa graduates ay natapos ang Korean Language at Culture I.
Samantala, 16 trainees ang nakakompleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa housekeeping, 15 para sa food at beverages services, at 20 para sa barista.
Binati ni Mayor Toby Tiangco ang mga graduates at hinimok silang gamitin ang mga kasanayang nakuha upang magsimula o makahanap ng mga pagkakataon sa pangkabuhayan.
“It may take a while before we can go back to normal and regain the economic stability we once enjoyed. Nevertheless, you must continue to create the life you want for yourself and your loved ones. Take advantage of the skills you have gained to help your family surpass these trying times,” sabi niya.
Ang Navotas ay mayroong apat na training centers na bukas sa mga Navoteño at non-Navoteño trainees. Ang mga residente ay maaaring mag-aral nang libre sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring mag-enroll at kumuha ng assessment exams para sa isang bayarin, depende sa kukunin nilang kurso.
Nagpapatuloy ang enrollment para sa mga kursong Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Massage Therapy NC II, Food and Beverages Services NC II, Barista NC II, Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Food processing NC II.
Available din ang Tailoring NC II, Dressmaking NC II, Japanese Language and Culture I at Korean Language at Culture I.
Nauna rito, ang Navotas sa pamamagitan ng TESDA-NAVOTAAS Training Center, ay nagbukas ng unang assessment facility para sa Domestic Work NC II sa Metro Manila. (ROMMEL SALES)