Q1 build target ng Globe ‘on track’ sa kabila ng mga hamon ng kuwarantena
NANATILING ‘on track’ ang Globe sa build target nito para sa first quarter ng 2021. Ang kompanya ay nakapagtayo na ng 318 bagong cell towers sa mga strategic location sa buong bansa at pinalakas pa ng 20 stand alone in-building solutions (IBS) sa mga mahahalagang lugar.
Sa 5G space, ang pagsisikap ng Globe na palawakin pa ang 5G services ay nananatiling nasa tamang direksiyon sa pagtatayo ng 1,383 site1s sa NCR, Bacolod, Boracay, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro, at Davao hanggang noong katapusan ng Marso.
“While our numbers are good for the first quarter of the year, there is still a lot more work to be done. We need to continue this momentum and rise above quarantine challenges to meet the growing demand of our customers,” wika ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.
Natapos na rin ng kompanya ang expansion ng hindi bababa sa 4,210 sites at ang paglalagay ng 274,000 high-speed lines — higit pa sa 1/4 ng target nito na one million FTTH lines para sa 2021.
Ang agresibong network rollouts at site upgrades ng Globe ay nagresulta sa mas mahusay na call, SMS at data browsing services sa mga customer nito.
Ayon sa Q1 2021 data ng Ookla®, ang nationwide consistency score ng telco ay mahigit 70 percent na ngayon. Nagtala ang Metro Manila ng pinakamataas na iskor na mahigit sa 76 percent habang may mataas na marka rin ang Rizal, Bulacan, Cavite, Cebu City at Davao City.
Sinusukat ng consistency score kung anong porsiyento ng samples ng provider ang katumbas o lumalagpas kapwa sa download at upload threshold.
Nagtala rin ang Globe ng improved latency na may average na 33ms para sa first quarter na mas mababa sa 50ms winning standard na itinakda ng gamers.
Sinusuportahan din ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 na kumikilala sa kahalagahan ng impraestruktura at innovation bilang mga pangunahing tagapagtaguyod ng pag-unlad ng ekonomiya.