NAGLUNSAD ng kauna-unahang ‘on-the-go’ vaccination site sa Makati City para sa pagbabakuna ng person with disabilities at bedridden residents habang nasa loob ng sasakyan.
Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay, ang kauna-unahang drive-thru vaccination site ay bubuksan ngayong araw, Biyernes, sa Circuit Makati Estate grounds, sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls Circuit.
“In response to numerous requests from persons with disabilities and families with a bedridden member, we have come up with this initiative. We understand the predicament of those who have no means of transportation or are physically unable to go through regular procedure,” ani Mayor Abby.
Pinasalamatan ng alkalde ang Ayala Malls Circuit sa kontribusyon nitong makatulong sa pagtataguyod ng vaccination program para sa inaasam na herd immunity.
Inaasahang ang pagbabakuna sa drive thru vaccination site ay sisimulan sa 100 bedridden patients at PWDs na nagparehistro sa www.proudmakatizen.com na nakatanggap din ng confirmation.
Tiniyak ng àlkalde, hindi mahihirapan ang mga indibiduwal na walang sariling sasakyan sa pagtungo sa vac site dahil may nakalaang mga sasakyan ang lungsod at sapat na marshals at guides na tutulong at magmo-monitor sa daloy ng mga sasakyan.
Tulad ng regular na proseso sa bakunahan, ang mga pasyente ay daraan din sa counselling at screening. Ang kanilang impormasyon ay ibeberipika bago ang pagtuturok habang nasa loob mismo ng sasakyan at matapos bakunahan ay may 30 minuto silang imo-monitor ng medical experts.
Check Also
Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW
The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …
MOHS acquires major pharma company
In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …
Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …
DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City
The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …
DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth
In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …