GUSTO kong mai-share kay Sen. Risa Hontiveros ang isang malaking accomplishment ng Bureau of Immigration (BI) nitong nakaraang Linggo.
Ito ay para alamin niya kung nagkaroon ng hokus-pokus ang kasong ito.
Noong nakaraang Linggo ay ating iniulat ang matagumpay na pagkakasakote ng BI Intelligence Division laban sa isang illegal online gaming operations diyan sa Double Dragon Tower 3 sa Pasay City.
Umabot sa 36 foreigners ang nasakote na kinabibilangan ng 32 Koreano, 2 Chinese nationals at 2 Indonesians.
Ayon sa impormasyon na ating natanggap, hinuli ang mga nabanggit dahil bukod sa walang working permits ang mga nagtatrabaho ay wala rin silang kaukulang lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para makapag-operate.
Tayo man ay kombinsido na hindi basta-basta puwedeng kantiin ang isang online gaming sa panahon ngayon dahil protektado ito ng opisina ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo at makailang beses na rin nakoryente ang mga operatiba ng BI sa mga hinuli nilang online gaming companies noon.
Ilang araw matapos ma-detain sa Warden’s Facility Unit sa Bicutan ang mga banyaga at habang hinihintay ang resulta ng kanilang CoVid-19 test ay nakatanggap tayo ng balita na bigla daw ‘napiyansahan’ ang lahat?| Ibig sabihin ‘yung 36 foreigners mula sa iba’t ibang nasyon.
Wattafak?!
Weh? Hindi nga?!
Anyare?!
Akala ko ba ang praise ‘este’ press release ng BI ay illegal online gaming at illegal workers ang kanilang nasakote?
Bigla yatang naging ‘legal’ and mga ilegal?
Ang alam natin, bago pa man mag-isyu ng ‘mission orange’ ‘este’ mission order si Commissioner Jaime Morente ay kompleto at detalyado ang case build-up sa mga ganitong trabaho lalo’t iniiwasan nila ang maindulto sila ni Madam ADD!
Tsk tsk tsk…
Magkano ‘este’ paano ipapaliwanag ito ng BI lalo ng Legal at ang pumirma ng approval ng bail?
Parang nadale ng ‘it bulaga’ ang BI-Intel sa nangyari.
Ang Legal Division, ‘happy’ naman kaya?
Noong araw, pangkaraniwan na sa kanila ang ganitong diskarte ngunit matapos uminit ang isyu tungkol sa dating dalawang mataas na opisyal ng BI na kasalukuyang naghihimas ng rehas sa Bicutan ay nag-lie-low na ang ilang eksperto sa Immigration law diyan sa 4th floor at idinaan ang kanilang libangan sa pangongolekta ng paintings ni Amorsolo, Joya, Paco Gorospe, Bencab, at iba pa.
Huwaw ha!
‘Napakasimple’ naman ng libangan nila!
Inggit much!
By the way, puwede bang malaman kung sino ang mga call-a-friend na politiko na sinabing pumadrino sa 32 illegal workers?
Ang atin lang, bago pa lang humuhupa ang isyu tungkol sa ginagawang senate investigation on human trafficking ni Senadora Risa Hontiveros, baka ito namang mga ganitong milagro ang mapagtuunan ng inyong lola.
Tama o mali?!
Sino nga naman ang basta maniniwala na halos lahat ng hinuli ay ganoon lang kabilis mapipiyansahan lalo sa panahon ngayon na halos lahat ay naka-work from home.
Hahahayyy!
Sa mga ibang operatiba, kung ‘di kayo naambunan, better luck next time sabi nga!
Yelo at Vicks lang naman ang gamot sa kol-buks!
Kahit panahon na ng millennials ngayon, uso pa rin kasi ang kasabihang, “Ako ang nagtanim, nagbayo, at nagsaing pero iba ang kumain!”
Ehek!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap