Monday , December 23 2024

Anti-crime drive pinaigting 24 law breakers arestado

NADAKIP ang 24 katao, pawang lumabag sa batas sa pinaigting na kampanya laban sa krimen ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 29 Abril.
 
Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kilalang mga personalidad sa droga ang 18 sa mga suspek na naaresto sa iba’t ibang buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng Guiguinto, Malolos, Marilao, Meycauayan, Plaridel, San Miguel, at San Rafael police.
 
Kinilala ang mga nadakip na sinabing notoruys na mga tulak na sina Priscila Fernando, alyas Ambo; Jhodel Teves, alyas Tisay, kapwa ng Bayugo, Meycauayan; Vincent Calo, alyas BJ; Edgardo Capistrano, alyas Ed; Juanito Calo, Jr., alyas Jonjon, pawang taga-Pandayan, Meycauayan; Janlou Baja at Edwin Torres, alyas Ompong ng Lawa, Meycauayan; Mumar Nayo, alyas Mar; Mark Dominic Manaois, parehong residente sa Tabang, Guiguinto; Jocelyn Arguilles, alyas Len Len ng Culianin, Plaridel; Rodelio Dela Cruz, alyas Rodel ng Tibagan, San Miguel; Marjet Troy Reyes, alyas Kyle; Jennifer Sarmiento, alyas Jenny, kapwa residente sa Caingin, Malolos; Edilberto, alyas Edel ng Salangan, San Miguel; Ireneo Esguerra, alyas Koyang; John Troy Montilla; Jerome Viñas; at isang 15-anyos, mga residente sa Loma De Gato, Marilao.
 
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang kabuuang 54 sachets ng tuyong dahon ng marijuana; 20 sachets ng hinihinalang shabu, timbangan, at buy bust money.
 
Samantala, arestado rin ang limang suspek sa mga bayan ng Norzagaray at Sta. Maria na kinilalang sina Dexter Mondero; Charles Dexter Mondero, kapwa mga residente sa Brgy. San Gabriel, Sta. Maria, na inaresto sa kasong attempted murder, grave threat, trespassing, malicious mischief, at paglabag sa BP 6 (Illegal Possession of Bladed Weapon); Romar Barre; Zandro Tababa, kapwa ng Caypombo, Sta. Maria, na inaresto sa kasong unjust vexation; at Christopher Del Mundo ng Tigbe, Norzagaray, arestado sa kasong physical injury kaugnay sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children).
 
Arestado rin si Myco Joe Sacdalan sa inilatag na manhunt operation ng tracker team ng Malolos City Police Station (CPS) para sa paglabag sa Provincial Ordinance. (MICKA BAUTISTA)
 
 
 
 
 

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *