PATAY ang isang tulak matapos manlaban sa mga awtoridad habang nasakote ang isang babae na nasamsamanan ng P3.4-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa mga ikinasang buy bust operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan.
Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang napaslang na suspek na si Dennis Reyes.
Batay sa ulat, dakong 10:30 p, nitong Martes, 27 Abril, nang magkasa ng buy bust operation laban kay Reyes ang Station Drug Enforcement Unit ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Longos, sa bayan ng Pulilan, sa naturang lalawigan.
Matapos ang napagkasunduang drug transaction, nakahalata ang suspek sa presensiya ng mga operatiba kaya nanlaban na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Sa pagproseso ng Bulacan Crime Laboratory Office sa pinangyarihan ng krimen, nakuha ang isang kalibre .45 pistola, mga basyo at bala, sling bag na may P1,000 bill, at isang coin purse na naglalaman ng 49 piraso ng selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu.
Kasunod nito, inaresto ang isang babaeng matagal nang minamanmanan dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao.
Sa ulat pa rin mula kay P/Col. Cajipe, kinilala ang nadakip na suspek na si Mary Grace Sison, 37 anyos, dalaga, at residente sa Brgy. Bagong Silang, lungsod ng Caloocan.
Napag-alamang nagkasa ng buy bust operation ang magkasanib na elemento ng PDEA Region 3 at Marilao Municipal Police Station (MPS) laban kay Sison sa harap ng public market sa Harmony Hills 2, Brgy. Loma de Gato, sa nabanggit na bayan.
Nakipagtransaksiyon ang isang poseur buyer kay Sison kaya nang magpositibo ang usapan at mailatag ang droga at marked money ay agad siyang inaresto.
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang tinatayang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P3,400,000 gayondin ang marked money.
Ayon kay Cajipe, ang pulisya sa Bulacan ay patuloy sa paglulunsad ng operasyon upang linisin ang lahat ng uri ng ilegal na droga kung hindi man, ay upang matigil ang pagkalat nito sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …