Sunday , December 22 2024

Covid family home kit naisip din sa wakas ni secretary Duque?!

OY mga kababayan, may bagong gimik po ang Department of Health (DOH).
Plano raw ng DOH na mamahagi ng home care kita para sa mga asymptomatic CoVid-19 cases, ayon kay kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
 
Siguro’y sa utos ‘yan ng kanilang boss na si Secretary Duque?!
 
Ayon kay Madam Vergeire, ang home care kits ay bahagi ng “package aimed at offering treatment to mild and asymptomatic patients” lalo na ‘yung kinakailangang mai-isolate sa sariling bahay ngunit nag-aalala dahil walang direct supervision ng health professionals.
 
Makatutulong din daw ito para hindi na pumunta sa ospital ang mga pasyente.
 
Ay huli na po kayo, Madam Undersecretary. Baka hindi po ninyo alam marami na tayong kababayan na ganoon ang ginagawa?
 
Kasi nga, wala naman silang maasahan at walang masulingan.
 
Alam po ba ninyo, kung ano ang kailangan Madam Undesecretary, libreng RT-PCR na puwedeng magpunta sa bahay ng mga kababayan nating nakararamdam o naghihinalang nahawaan sila ng CoVid-19.
 
‘Yan po kasi ang mahal, ‘yung home service. At ‘yun po nag kailangan ng mga kababayan natin. Hindi ba kayang i-provide ng mga ahensiya ng pamahalaan na magpadala ng home service partners para makuhaan ng specimen ang isang taong kailangang mai-test agad?
 
Alam po ba ninyo kung sino ang mga nagpupunta sa ospital? ‘Yun pong grabe na ang nararamdaman kasi hindi nila alam kung ano ang gagawin nila noong asymptomatic pa lang sila o mild symptoms pa lang.
 
Sabi nga ng mga nakare-recover, kailangan lang ng turo at alalay para hindi mag-panic ang mga nakararamdam na ng sintomas.
 
Huwag nang hintayin na makapag-RT PCR muna bago i-manage ang nararamdaman ng mga asymptomatic o may mild symptom.
 
Kaya ang laging itinatanong ng mga kababayan natin, saan na ba talaga napunta ang multibilyones na pondong inilabas ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2?
 
Talaga bang inilaan ito para sa pandemya o sa bulsa ng iilan?! Baka ginawa pang pabaon sa pagtatapos ng termino ng mga hin…do…ropot!
 
Uulitin lang po namin… wala kaming naramdaman.
 
‘Yang ‘home care kits’ ninyo DOH lalo ka na Secretary Duque, totohanin na ninyo ‘yan. Kapag niloko pa ninyo ‘yan, kasama na ako sa magdarasal na sana multohin kayo ng mga sumakabilang buhay na mga biktima ng CoVid-19!
 
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 
 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *