Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

3-anyos nene minolestiya Hayok na ama, arestado

Hindi na nakapalag ang isang ama nang arestuhin ng mga awtoridad nitong Lunes, 26 Abril, matapos ireklamo ng panggagahasa sa paslit na anak sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan.
 
Sa ulat na ipinadala ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS) kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang suspek na si Mark Delovino, 27 anyos.
 
Nabatid na naganap ang insidente ng panggagahasa ng suspek sa tatlong taong gulang na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Malis, sa naturang bayan.
 
Matapos umanong gahasain ang anak ay pinagsabihan ng ama na huwag isusumbong kahit kanino ang kanyang ginawang kahayupan.
 
Ngunit dahil nasaktan ang bata sa ginawa ng ama, dumaing ang biktima ng pananakit ng kaselanan sa tumatayo niyang guardian.
 
Nang malaman ang buod ng pangyayari, agad nagsadya ang guardian ng bata sa Guiguinto Municipal Police Station at nagsumbong na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.
 
Nakakulong na sa Guiguinto MPS Jail ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso samantalang ang biktima ay isasailalim sa pagsusuri ng manggagamot. (Micka Bautista)
 
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …