Friday , November 15 2024

Quezon province may Sputnik Gamaleya na?

HA! Ano!? May bakunang gawa mula Russia ang lalawigan ng Quezon? Paano nangyaring nakabili ng bakunang Sputnik Gamaleya ang provincial government ng Quezon?
 
Posible nga ba ito – ang nauna pang nakabili ng Sputnik Gamaleya ay isang provincial government kaysa national government?
 
Ewan ko paano nangyari ito. Pero totoo nga ba ang napaulat?
 
Ayon sa balita, mayroon na nga raw Sputnik Gamaleya ang lalawigan. Oo, pag-amin nga raw ito ng ama ng lalawigan na si Governor Danilo “Danny” Suarez. Aba’y kung totoo ang balita, dapat pala ay sibakin ang mga nakaupo sa Department of Health (DOH) at iba pang task force laban sa CoVid-19 na nakatalagang makipagtransaksiyon sa pagbili ng iba’t ibang bakuna para sa bansa.
Bakit naman sila sisibakin? Paano kasi, e lumalabas na mas mabilis pa ang gobyerno ng lalawigan sa pagbili ng Gamaleya kaysa mga itinalaga ng Palasyo. E sino naman ang ipapalit na mamuno.
 
Sino pa nga ba? Sino ba ang napaulat na nagsabing may Gamaleya na sa kanilang lalawigan? Bagaman, totoo nga ba ito mahal na gobernador na mayroon na kayong Gamaleya sa inyong lalawigan?
 
Kung totoo man, e di ang ibig sabihin, malaki na ang ibinaba ng CoVid-19 cases sa inyong lalawigan. Pero mukhang taliwas yata sa napaulat na mataas ang bilang ng CoVid cases in your beloved province sir Gov. Bukod sa ulat na masyadong mababa ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan.
 
O akala ko ba’y mayroon nang Gamaleya ang lalawigan? Dapat sana ay marami nang bilang ng nabakunahan. Hindi po ba?
 
Ngunit, sang-ayon naman kay Philippine vaccine czar Carlito Galvez, Jr., inaasahan pa lamang nila ang pagdating ng 20,000 doses ng Sputnik Gamaleya ngayong Abril 2021.
 
Inaasahang darating ito sa huling linggo ng buwan – next week na pala mga Bro. Hay, salamat naman at madaragdagan na ang bakunang darating sa bansa.
 
Ngayon, kung parating pa lamang ang Gamaleya, paano nangyaring mayroon na ang lalawigan ng Quezon samantala nito lamang 15 Abril 2021, tinapos ng mahal kong Philippine government ang transaksiyon para sa pagbili ng Gamaleya.
 
Sa huling tala, tumaas at lomobo ang kaso ng CoVid sa lalawigan. Umabot na raw sa 9,800 ang kaso ng CoVid na marami na rin ang namatay. Teka, paano mangyaring loobo kung may Gamaleya o sarili nang vaccine ang lalawigan? Taliwas yata ang lahat. Hindi ba ang dapat ay bumaba ang bilang?
 
Sa ngayon, may 14,000 nang nabakunahan sa lalawigan (malamang karamihan dito ay frontliners) sa mahigit na dalawang milyong residente ng probinsiya. Hindi naman tinukoy sa ulat kung Gamaleya o iyong galing sa national government ang itinurok sa 14,000.
 
Ano pa man, kung totoong mayroon na ngang Gamaleya sa lalawigan ni Suarez, dapat sigurong maging modelo ang kanyang lugar sa may pinakamaraming nabakunahan na at pinakamababang CoVid cases.
 
Ngunit, in fairness naman sa gobernador, may nabasa tayo ulat na noong Nobyembre 2019, pinaghandaan ni Suarez ang CoVid-19. May mga hakbangin na silang ginawa bilang pangontra o kung paano kalabanin at makontrol ang pagdami ng mahahawaan ng virus.
 
Ang galing mo talaga Gov. Suarez, tinalo mo pa si DOH Sec. Duque na pa-relax-relax lang noon. Kaya anong resulta?
 
Hayun sa sobrang paghahanda, umabot lang naman nang libo-libo ang CoVid cases sa lalawigan at may napaulat na nangamatay na. Mabuti na lamang at pinaghandaan ninyo ito Gov. Suarez, kung hindi baka hindi lang 9,800 ang kaso ng CoVid sa lalawigan. He he he…
 
Ayon din sa gobernador, maglalaan sila ng P1 bilyon para sa pagbili ng bakuna para sa lalawigan bukod pa iyong manggagaling sa national government. Pero ang P1 bilyon ay magmumula sa loan ng lalawigan sa Development Bank of the Philippines (DBP).
Hinihintay pa ito dahil hindi pa inaaprobahan ng banko. Paano kaya kung hindi ito aprobahan, Sir Gov? Aaprobahan iyan, dahil para sa kabutihan ang pakay.
 
Quezon province may Sputnik Gamaleya na? Teka, baka naman planong bibili pa lang. Kayo naman o.
 
He he he…
 
AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *