MUKHANG matagal pa bago makabalik ng Indonesia ang isa sa maituturing naming bussiest actor sa kanyang henerasyon, si Teejay Marquez.
Bago magkaroon ng pandemiya ay sunod-sunod ang proyekto ni Teejay sa Indonesia na nasundan pa ng ibang proyekto sa Thailand at Vietnam, pero nang maapektuhan ang buong mundo dahil sa Covid-19 pandemic, napauwi ng bansa ang actor para na rin sa kanyang safety at mabantayan ang kanyang lolang may karamdaman.
Kaya naman ang mga proyektong gagawin pa sana nito sa Indonesia, Thailand, Malaysia, at Japan at pansamantalang isinantabi muna at kapag puwede nang magbiyahe at saka niya ito haharapin.
Pero mukhang matatagalan pa bago magawa ni Teejay ang kanyang mga out of the country projects dahil sunod-sunod ang proyekto nito sa Pilipinas.
Nandyan ang hit na hit BL series na pinagbibidahan nila ni Jerome Ponce na nasa season 2, ang BXJ Forever na ‘di pa man natatapos, ay masusundan pa ng season 3 dahil nag-click ang season 1 and 2.
Habang ginagawa naman nito ang pelikulang Ang Huling Birheng Beki sa Balat-Lupa ng Heaven’s Best Entertainment kasama sina Edgar Allan Guzman, Mimi Juareza, Lou Veloso, Rosanna Roces, Sean De Guzman, Sunshine Garcia, Dave Bornea, Jim Pebanco, Alexis Yasuda, Bo Tejedor, Kristine Bermas, at Phi Palmos. Written by Afi Africa and Joel Lamangan, with Harlene Bautista as executive producer, directed by Joel Lamangan.
Kasama rin ito sa pelikulang Girl Online ng Regal Entertainment and LargaVista kasama sina Adrienne Vergara,Fino Herrera, Kat Galang, Andres Vasquez, Paeng Sudayan, Veronica Reyes, directed by Joey Reyes.
At sa pelikulang G! LU (GO! LA UNION) ng ALV Films, Rein Entertainment, at Benchingko Films. Kasama sina Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Ruru Madrid, David Licauco, Enzo Pineda, Teejay Marquez, wth Marco Poli, Dominic Roque, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, with Arnold Vegafria at Ben Chan bilang executive producers, directed by Philip King.
MATABIL
ni John Fontanilla