Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

67-anyos biyudong lolo, walong taon ginahasa sariling apo, arestado

DINAKIP ang isang biyudong senior citizen na malaon nang pinagha­hanap ng batas dahil sa kinahaharap na kasong panggagahasa sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan Bulacan, nitong Martes, 20 Abril.

Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ng mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), 4th MP, 2nd PMFC-Bulacan PPO, 301st RMFB-3, at 24th Special Action Company (SAF) ang suspek na kinilalang si Sixto Francisco, 67 anyos, biyudo, at kasalukuyang naninirahan sa No. 116 Sitio Lambakin, Brgy. Sto. Cristo, sa nabanggit na lungsod.

Inaresto ang akusa­dong lolo sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong rape na nilagdaan ni Judge Ma. Cristina Juanson ng San Jose del Monte RTC Branch 5-FC.

Inakusahan si Francisco ng paulit-ulit na pangmomolestiya at panggagahasa sa kanyang sariling apo mula taon 2011 hanggang 2019 ngunit matapos sampahan ng kaso ay nagpakatago-tago sa batas.

Ayon kay Cajipe, ang pagkakaaresto sa akusado ay magbibigay ng kapa­natagan sa pamilya ng biktima at tiniyak niyang makatutulog ang pamilya ng biktima nang mapa­yapa.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …