Sunday , December 22 2024

Digong ‘suko’ gihapon sa isyu ng WPS sa China

MUKHANG nasira ang tapang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) na paboritong tambayan ng mga barkong pandigma ng itinuturing niyang kaalyado — ang China.

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, gera lang daw ang makapagpapalayas sa China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas sa WPS.

Ang siste, sabi ng Pangulo, batay sa US-PH Mutual Defense Treaty, tutulong ang Amerika kapag Filipinas ang inatake ng ibang bansa ngunit kapag tayo ang unang umatake ay hindi aayuda ang US.

Wattafak!

Wala pa ngang ‘putukan’ umatras na agad ang Pangulo?!

Ganoon ba ‘yun??

“You know — you know the cost of war. And if we go there really to find out and to assert jurisdiction, I said, it would be bloody. It will result in a violence that we cannot maybe win,” ‘yan mismo ang sinabi ng Pangulo sa “Talk to the People” kamakalawa ng gabi.

Ewan lang natin kung may nanood o nakipag-usap pa sa ganoong disoras ng gabi.

Tsk tsk tsk…

Nagtataka naman tayo, ‘masyadong takot’ si Tatay Duts sa China pero inismol ang kapangyarihan ng United Nations na puwedeng utusan ang China na itigil ang pangangamkam sa WPS, kahit ibinasura ng Permanent Court of Arbitration ng UN ang historic at sovereign rights claim ng China sa WPS. Iklinaro rin ng UN na ang bahaging iyon ng WPS ay teritoryo ng Filipinas.

Iginiit din ng UN na walang legal na basehan ang paggamit ng Beijing sa “nine-dash” line para sabihing, sila ang may karapatan sa lugar.

Nagawa ba ng China ‘yan sa Vietnam, Indonesia, at Taiwan?!

Ay sus, mukhang ang barako ng Davao lang ang ‘suko gihapon’ sa China??!

Binanatan pa ni Pangulong Duterte na nananaginip si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa paniwalang kayang ipatupad ng UN ang arbitral ruling laban sa China.

Pero resbak ni Carpio, mentalidad ng bata ang pagsuko dahil ang katunggali ay matigas ang ulo.

Sabi nga ni ex-Supreme Court Associate Justice, may naunang desisyon ang UN na sinunod ng makapangyarihang bansa gaya nang paboran ang Nicaragua kontra sa Amerika na sinunod ng US at ang UN Resolution na nag-utos sa United Kingdom na ibalik ang Chagos Archipelago sa Mautitius batay sa opinyon ng International Court of Justice.

“Getting a UN resolution in your country’s favor is already a huge victory because that means the world community is behind your country. That strengthens enormously your country’s position and weakens greatly your advesary’s position. This is how a country defends its national interest. A country cannot just fold up and give up just because the other side is stubborn. That is a childish mentality,” diin ni Carpio.

Pero sabi ni Pangulong Duterte, wala siyang interes sa usapin ng pangingisda ng China sa WPS pero tiniyak niya na magpapadala ng warship sa WPS kapag langis na ang inagaw ng China sa EEZ ng Filipinas.

Wee?! Hindi nga?!

Aabangan na naman ba ng sambayanang Filipino ‘yan?

Asus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *