Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia kompiyansang maiuuwi ni Rabiya ang korona

ISA si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na naniniwalang malaki ang potensiyal ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na maiuwi ang 2020 Miss Universe crown.

Naalala ni Pia na hindi halos nagkakalayo ang naging journey nila ni Rabiya nang lumaban sa Miss Universe 2015, na marami ring nam-bash  at ‘di naniwalang mananalo.

Dark horse si Rabiya at hindi paborito during Miss Universe Philippines  kaya naman marami ang nagulat at nagtaas ng kilay ng ito ang nakapag-uwi ng korona.

Kaya naman puro pamba-bash ang inabot ni Rabiya na idinaan sa pag-iyak. Mabuti na lang at nandiyan ang mga dating Miss Universe din na si Gloria Diaz, gayundin sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach para palakasin ang loob ni Rabiya.

At dahil bilib si Pia ka’y Rabiya binigyan niya ito ng naging lucky charm niya noong lumaban, ang kanyang preliminary shoes na ginamit naman ni Rabiya nang lumipad papuntang USA. Bukod sa sapatos, binigyan  din ni Pia si Rabiya ng ilang care package na puwedeng gamitin during the pageant.

Positibo naman si Rabiya sa pagtungo sa Amerika at sinabing ibibigay niya ang kanyang 100 plus energy para masungkit ang 2020 Miss Universe crown at para maging proud sa kanya ang mga Filipino.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …