Saturday , November 16 2024

4 miyembro ng sindikato timbog sa entrapment (Pekeng yosi ikinalat sa Bulacan)

NAARESTO ang apat na hinihinalang miyem­bro ng grupong nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa magkahiwalay na entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Doña Remedios Trinidad (DRT) Municipal Police Station (MPS) at Bulacan Provincial Intelligence (BPIU) sa Bgry. Camachile, sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan, at sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 17 Abril.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga nadakip na suspek na sina Armando Culala, Henry de Guzman, Marilen de Guzman, at Silbeth Aronse, pawang mga residente ng bayan ng San Antonio, lalawigan ng Nueva Ecija.

Batay sa ulat mula kay P/Maj. Demosthenes Desiderio, hepe ng DRT Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng impormasyon na isang Armando Culala ang nagbebenta at nagpapa­kalat ng mga pekeng siga­rilyo sa Brgy. Camachile, sa nabanggit na bayan.

Dito na sila nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto kay Culala, samantala, nadakip ang tatlong iba pang suspek sa follow-up operation sa kanilang tindahan sa Brgy. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.

Nakompiska kay Culala ang 18 reams ng Two Moon cigarettes, tatlong reams ng Marvel (red) cigarettes, dalawang reams ng D&B cigarettes, na tinatayang aabot ang halaga sa P10,000.

Samantala, nasamsam mula kina Henry, Marilen, at Silbeth ang iba’t ibang kahon ng unbranded cigarettes na may estimated market value na P90,000, at cash na halagang P17,500.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng DRT MPS ang mga naaresto, para sa kaukulang disposisyon.

Nakipag-ugnayan din ang mga awtoridad sa Japan Tobacco Inc. (JTI) at Philipp Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC).

Nahaharap sa mga reklamong kriminal na paglabag sa RA 9211 (Tobacco Act) at RA 7394 (Consumers Act) ang mga suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *