Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bidaman Wize sa indecent proposals — Tinatanong ang presyo ko na parang tinda lang ako sa palengke

SANDAMAKMAK na indecent proposal ang natatanggap ng It’s Showtime BidamanWize Estabillo mula sa mayayamang bading na ayaw na niyang pangalanan.

Kuwento ni Wize, ”Marami na po akong nae-encounter na mga mayayamang bading na nagpa-promise ng kung ano-ano kapalit ng pakikipag-relasyon at one night stand. Pero lahat sila tinanggihan ko.

“’Yung iba nagme-message sa IG at Twitter. Mauroon sobrang yaman sa Batangas ang alok niya, siya ang bahala sa akin basta sa kanya na ako titira sa Batangas.

’Yung iba naman idinadaan sa sponsorship kuno. Pero ‘pag sinabi ko kung anong klaseng sponsorship dahil ipaaalam ko sa manager ko, sabay sabing kami na lang ang mag-usap basta makasama ako ng buong araw.

“Mayroon naman malakas ang loob na pinaprangka talaga ako kung magkano presyo ko. Parang ang dating tinda ka sa department store o sa palengke na tinatanong ang presyo.

“Okey lang sana kung purely business as in endorsement or show, kaso  iba ‘yung gusto nila and hindi ako game sa ganoon.

“Walang halong kaipokritahan magtatrabaho na lang ako ng marangal na trabaho kaysa patulan ko ‘yung mga ganoong offer.

“Hindi sa minamaliit ko ‘yung mga taong pumapatol sa ganoong offer sarili naman nilang diskarte at desisyon ‘yun at inirerespeto ko ‘yun. Pero  para sa akin, ayoko talaga,” mahabang paliwanag ni Wize.

Sa ‘di mabilang na ng indecent proposal na natatanggap ni Wize ay dini-deadma na lang nito at hindi ine-entertain. May mga pinagkakaabalahan pa naman siya katulad ng pagbi-Bigo at ilang online guesting na kahit paano ay kumikita siya at sapat na ‘yun para sa kanya at sa kanyang pamilya.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …