KUNG inaakala ng lahat na CoVid-19 lang ang nagmu-mutate sa paligid, maging sa Bureau of Immigration – Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) ay mabilis na nagmu-mutate ang mga tinamaan ng virus na ‘tamad-itis.’
Huwaw ha!
Marami na raw ang tinamaan sa mga IO kaya uso na raw ang self-quarantine…
At panay-panay ang quarantine sa mga bakanteng opisina riyan sa airport?
Madalas daw tamaan dito ang mga Primary Officers kaya naman pag umatake raw ang ‘tamad-itis’ sa kanila ay 30 minuto hanggang isang oras lang sila umuupo sa counter!
Wattafak!
Umaabot pa sa mga mall malapit sa NAIA ang ‘self-quarantine’ ng ilan sa kanila at walang magawa ang mga opisyal sa POD kundi ngumanga na lang?!
Wala naman palang binatbat ang paghihigpit ng isang kilalang opisyal diyan na halos 24 oras na raw dumu-duty sa BI-NAIA?!
Susmaryosep!
Puwede na palang sabitan ng medalya ng kagitingan ang isang ‘yan!
By the way, nakarating na kaya sa radar ni Comm. Jaime Morente na may isang grupo ng IOs diyan na madalas ay may ‘drinking session’ sa madilim na parking ng NAIA Terminal 3?
Ibang klase!
Kompleto raw sa drinking paraphernalia ang grupo dahil may dala na umanong ‘cooler,’ ‘alak’ pati silya at mesa?!
Naturalmente, makalilimutan ba naman ang pulutan?!
Tatlo raw ang lider ng grupo. Ang una ay isang babaeng IO na apo yata ng rock icon na kumanta ng sikat na “Kahit na Anong Mangyari” at “Titser’s Enemy No. 1.”
Pangalawa naman ay IO na kapangalan ng bunsong kapatid na babae ng dating mayor ng QC?
Pero ang pinakasikat daw sa kanila, ang isa pang girlalush na IO na may initials na gaya ng isang sikat na celebrity-singer ng ABS-CBN na nagtanan muna bago ikinasal?!
How exciting!
Sa sobrang pagka-miss daw sa kanila ng mga bisor ay madalas silang hanapin sa viber group dahil lagi silang nawawala.
Wow, Beshiewaps!
Wapakels daw kahit magalit ang mga tao sa kanila at proud pa sila sa accomplishments nilang 15-30 prod per 8 hours duty!
Ganern?!
“Identity reveal” natin sila sa susunod na kolum!
Abangan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap