Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mart kinarir ang pagiging Victor Wood

KINARIR nang husto ni Mart Escu­dero ang role bilang Victor Wood sa pelikulang JukeBox KingThe Life Story of Victor Wood ayon sa Kapuso actress na si Kim Rodriguez.

Tsika ni Kim, ”Sobrang kinarir  ni Mart ‘yung role niya bilang Victor Wood, sobrang replica siya nito mula sa tindig, hitsura, at pagsasalita, as in pinag-aralayan niya, ang galing.

“Kahit nga mga staff and crew ng movie namin nagsasabi na para talaga siyang si Victor Wood.”

Dagdag pa ni Kim, ”Sobrang galing umarte ni Mart, kapag kaeksena ko mo siya madadala ka talaga sa kanya,. Kailangan ready ka kapag kaharap mo siya kasi magaling talaga. ‘Pag ‘di ka ready mahihiya ka sa kanya, kaya ako lagi akong ready.

“Tapos sobrang bait niya, first time ko lang siya nakatrabaho pero first shooting pa lang okey na kami ang gaan niya katrabaho, very professional.

“Kaya naman isa siya sa mga nakatrabaho kong actor na gusto kong makatrabaho ulit. Sana after this movie makagawa kami ng iba pang proyekto,” giit pa ni Kim.

Bukod sa nasabing pelikula, abala rin ang actress sa kanyang mga negosyong Milk Tea, clothing line, at relo habang naghihintay pa ng next project sa GMA.

Ang Juke Box King: The Life Story of Victor Wood ay hatid ng EBC Films and Eagle Broadcasting Corporation, at idinirehe ni Carlo Ortega Cuevas. Bukod kina Mart at Kim, kasama rin sina Elizabeth Oropesa, Alwyn Uytingco, Paolo Marcoleta, Antonio Aquitaña, Kristel Fulgar, Jasmin Henry, at Jon Lucas.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …