Saturday , November 16 2024

18 timbog sa buy bust, manhunt operations 186 ECQ violators nasakote

SUNOD-SUNOD na naaresto ang 18 kataong lumabag sa batas sa pagpapatuloy ng police operations sa lalawigan ng Bulacan habang pinag­dadampot ang umabot sa 186 indibidwal dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 106 hanggang nitong Miyer­koles ng umaga, 7 Abril.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Balagtas MPS, Bocaue MPS, Pandi MPS, Pulilan MPS at Meycauayan CPS, ang 11 drug personalities na kinilalang sina Elmer Catsro, alyas Apeng, ng Manatal, Pandi; Annabelle Baltazar ng Malibong Matanda, Pandi; Sherwin Manalaysay, alyas Erwin, ng Sto. Niño, Pandi; Arthur Sedilla, Jr., alyas Jay-Ar, ng Taal, Bocaue; Roque Villafuerte ng San Juan, Balagtas; Khay Taule, alyas Banang; Phebie Taule, alyas Tap-Tap; Melvin Espina, alyas Marvin; Roger Cuevas, alyas Roger, pawang mga residente sa Bayugo, sa lungsod ng Meycauayan;  Godly Cruz ng Inaon, Pulilan; Lorenzo Banton, alyas Shrek ng Batia, Bocaue.

Narekober ng pulisya ang may kabuuang 15 plastic sachets ng hinihinalang shabu at buy bust money mula sa mga suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa korte.

Samantala, nalambat ang pitong wanted persons ng tracker teams ng Malolos CPS, Marilao MPS, Norzagaray MPS, 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) kasama ang Talavera MPS Nueva Ecija PPO at SJDM CPS katuwang ang 2nd PMFC, 301st RMFB3 at 24th Special Action Company (SAF).

Kinilala ang mga nadakip na susek na sina Jefferson Perez ng Citrus, San Jose del Monte, sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children); Medel Ramos ng Sto. Niño, Plaridel sa kasong Estafa; Celso dela Cruz ng Marilao sa paglabag sa BP 22 (Anti-Bouncing Check Law); Ernesto Tagalas, Jr., alyas Unso ng Talavera, Nueva Ecija sa kasong Arson; Richard Sigua ng San Juan, Malolos; Jeffrey Anahao ng Minuyan, Norzagaray; at Onest Monteverde, na pawang inaresto sa kasong Theft.

Nasa kustodiya ang mga nadakip na akusado ng kani-kanilang arresting unit/police station para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, sa pagpa­patuloy ng pagpapatupad ng IATF Resolution No. 106, pinagdadampot ang 186 indibidwal sa buong lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon dahil sa paglabag sa liquor ban, curfew, at health protocols.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *